HONESTLY, WALA KAMING idea kung totoong buntis si Andi Eigenmann. Kung buntis man, ituloy. Kung hindi, salamat sa Diyos. Pero kung kami ang tatanungin, sana nga, hindi pa.
Sayang ang bata. Me future. Mahal ng kamera ang mukha. Mahusay ring umarte. Sana, i-enjoy niya muna ang kanyang kabataan. ‘Wag magmadali.
Sa Twitter kasi ay i-nuulan kami ng tanong, pero wala naman kaming konkretong maisagot, dahil walang sinuman ang gustong sumagot sa mga napagtatanungan namin.
Laging, “Ewan ko. ‘Yun din ang dinig ko, eh. Totoo ba? Dapat, alam mo ‘yan, dahil reporter ka?” Huh! Gano’n? Eh, sa hindi namin alam, eh. Mag-iimbento ba kami?
Sa showbiz naman, kahit anong tago ng baho, sisingaw at sisingaw ‘yan, eh. At sa showbiz, ‘pag inili-lihim ang pagbubuntis, maghintay ka ng apat na buwan, tingnan mo kung lumalaki.
‘Pag hindi lumaki, eh ‘di hindi buntis. ‘Pag inamin, dapat pa rin nating hangaan, dahil biyaya ng Diyos ‘yan, hindi niya ipinalaglag.
BLIND ITEM: EVER since, hindi namin natutunan na magsabi ng, “Ang panget mo!” sa kapwa. Katuwiran namin, sino kami para magsabing pangit ka kung hindi rin naman kami kagandahan, ‘di ba?
Mas naniniwala pa kaming magaganda at guwapo ang mga totoong magaganda at guwapo kapag sila mismo, hindi nila masabing pangit ang kapwa nila.
Honestly, hindi kami naiinis, bagkus naaawa kami sa isang personalidad na ugali na niyang magsabing pangit sa kanyang kapwa. Ni hindi rin namin ma-sabing pangit siya, dahil hindi naman siya pangit. Pero ‘wag n’yo naman kaming piliting sabihing guwapo siya, huh?
Minsan pa ay nakarating sa amin (at confirmed) na sinabi niyang isa kami sa lima niyang “hardcore pangit” sa kanya. Opinyon niya ‘yon, fine.
Pero gano’n nga yata talaga, ‘no?
Palibhasa hindi siya guwapo, kaya siya na lang ang nagsasabing pangit ang kapwa niya.
Saka kung guwapo siya, sana, hindi siya iniwan ng taong mahal niya, ‘no?
Ah, kaya…
“’ETO NA, HABANG papalapit na ang concert, para akong tinatalo ng stress, mama!” sumbong sa amin ni Vice Ganda. Oo nga naman, July 1 na kasi ang concert niya sa Araneta Coliseum.
Sabi namin sa kanya, “Ganu’n ka rin naman nu’ng una mong concert sa Araneta Coliseum, ‘teh, eh! Nai-stress ka rin. Pero normal ‘yan na nai-stress ka. Ibig sabihin, hindi mo pinu-puchu-puchu ‘yung performance mo.”
Kaya nga ang bakla, nalolokah ako sa gusto niyang mangyari sa concert niya. Lahat ng hilingin niya sa Viva Concerts ay ibinibigay sa kanya. Todo-todong rehearsal ang ginagawa niya.
Nag-hire na sila ng illusionist at magician para turuan siya kung paano ang gagawin sa “unkabogable” production number niya.
Pati nga si Toni Gonzaga, nalolokah sa production number nila ni Vice. “Ay, ang lola mo, Ogie, gusto niya, ‘yung kanta ko, tatagalugin niya. Nakakatawa ‘yung eksena namin. At excited na rin ako.”
Bukod kay Toni, guests din sina Billy Crawford, Enchong Dee, Cristine Reyes at Xian Lim na lahat, may “nakakatawang moment” with Vice.
Kaya sa mga wala pang tic-kets, tawag na sa 911-5555.
Oh My G!
by Ogie Diaz