Andi Eigenmann’s role in soap opera to be killed?

BY NOW, RUNNING five months na ang nasa sinapupunan ni Andi Eigenmann, at kung nasa ganitong stage siya ng kanyang first-time pregnancy, it would be best for her to rest and wait until her baby is welcomed to the Christian world.

Andi is cast in an ABS-CBN teledrama who plays a military officer caught between a man she’s deeply in love with, and a man whom she would never want to end up with. Inaasahan na ang “pagpatay” sa karakter ni Andi who has to face a real-life situation: such character disappearance na hindi na bago sa naturang istasyon.

In recent memory, nag-buena mano si Denise Laurel in Kristine who played older sister to Cristine Reyes. Para ma-justify ang pagkawala ni Denise, the story had her pursuing a business course in the States para sa kanyang pagbabalik ay maayos niyang mapamumunuan ang negos-yong ipinagkatiwala ng kanilang lolo.

Of course, Denise never came back, neither with a diploma nor diplomacy with the way she had to deal with her greedy aunt. Dahil ang matunog ngang balita noon, buntis ang hitad. At nito lang namin nabalitaan that Denise reportedly gave birth in the States, in real life.

Now, both story and history seem to repeat themselves.

But unlike Andi’s case, her pregnant condition was bared by no less than her mom Jaclyn Jose. Heto ang isang ina na buong tapang na kinumpirmang nagdadalantao ang kanyang anak even sans reference to the guy who got her daughter pregnant. A mother who seeks compassion more than public judgment sa maaaring naging kapusukan o pagkakamali ng anak.

For now, let’s give it to Andi, but may she also learn that public property that she is, women her age look up to her as a role model, close to being perfect in this imperfect universe.

LAKING PASASALAMAT NI Isabel Granada na bagama’t tinubuan din ng cyst ang natitira niyang obaryo ay hindi ito tinanggal, such welcome news for her husband Jeric Genasky na mukhang gusto pang humirit ng kasunod ng panganay nilang si Hubert.

Isabel could only thank a miracle drug called Vital C, the first and the only real vegetable, alkaline-based capsule that is able to treat all kinds of ailments. Kadalasan sa mga natitisod nating supplements ay naka-specify ang “no therapeutic  claims,” ang sodium ascorbate na ito ang siyang nagsalba kay Isabel.

A perfect endorser of the product, naimbitahan kami sa isang actual demo kung paanong Vital C is a cut above other ascorbic acids in the market. Hindi sa nang-eeklay kami, pero daig pa ni Pilipinas Got Ta-lent Season 2 grand finalist Rico The Magician ang natunghayan namin!

In these times na mura lang ang sakit, pero mahal magpagamot, Pinoys turn to cheap medical or herbal alternative next to divine intercession. Wala namang mawawala kung susu-bukan din natin ang nagpagaling kay Isabel… kahit wala tayong obaryo, ‘di ba?

By the way, Isabel, meron bang nagmu-moonlight as reporter mula sa pamunuan ng Vital C named “Mike” na nakalikom umano ng one-fourth ng budget for the press secretly tucked inside his pocket? Ayaw ni Manay Jopay Manago ng ganyan, Isabel!

SI CHARITO AY isang lasenggera na isinusuka ng kanyang mga kaanak at kapitbahay. Paano naman kasi, ‘pag ba-ngenge na ay nagwawala na siya’t nananakit pa. Ito ang tampok sa kuwentong Sobra Kung Tumagay Kaya’t Parating Nag-iiskandalo, Namalo Pa Nga ng Tubo sa Monday edition ng Face To Face.

Isa si Lilibeth sa mga nasampolan ni Charito na namalo ng tubo nang malasing, bale ba lumalabas na hipag niya ito. Bukod pa rito ang kanyang bunsong anak na babae na nakakaranas ng pananabunot at pag-umang ng gunting sa leeg. Pero ang hindi kinaya ni Tyang Amy Perez ay nu’ng matuklasan niyang ka-jamming pala ni Charito sa tomaan ang kanyang sisenta’y sais anyos na ina!

Celebrity guest naman bukas, Martes, si Inday Garutay sa episode na Nainggit Sa Perang Padala, Amerikanong Ka-chat Ng Kapitbahay Ay Sinulot Niya! Joining Inday who admits to cyber bullying is NBI Head Agent and Technical Intelligence Division Chief Palmer Mallari. Kuwento ito ni Ditas na inagawan ng American chatmate ni Luisa. Depensa naman ni Luisa, paanong hindi rin daw niya makaka-chat ang afam, eh, nakalimutang mag-log out ni Ditas?

Sa puntong ito na papasok ang kinatawan ng NBI upang i-educate ang publikong naaadik sa mga social networking sites.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleJC De Vera says he’s contented with girlfriend Danita Paner
Next articleCJ Caparas admits being a playboy!

No posts to display