AT LAST, NAGTAMPISAW na sa karagatan ang mapanuksong kagandahan ni Andi Eigenmann sa Agua Bendita with Jason Abalos at Matteo Guidicelli. Binato ng intriga ang dalaga sa hindi agad paglabas nito sa nasabing teleserye. Nand’yang nag-taray raw si Mommy Jaclyn Jose sa management ng ABS-CBN.
“Totoo po na-delay at nagkaroon ng misunderstanding pero hindi nagalit ang Mom ko. Malabo po ‘yung pagkaka-explain sa Mommy ko. Siyempre, wala po siyang karapatang gawin ‘yun. Bilang Nanay ko, nasaktan po siya para sa akin kasi Nanay ko siya, gusto niya akong protektahan. She wants to be a good mother to me kaya ganu’n na lang ang concern niya. Nagtatrabaho lang po kami… kung ano ‘yung gusto ng tao ‘yun pa rin ang masusunod. Nakapag-usap na po sila ng Mom ko para i-clear ‘yung misunderstanding at okey na po,” depensang sabi ni Andi.
Dumating kaya sa point na gusto na ni Andi na mag-backout dahil sa pagkainip nito? “Hindi po talaga, hindi ako magba-backout. Ako po ‘yung nagsimula nitong palabas. Ako po ‘yung nag-promote. Ako ‘yung nagpakita ng teaser. Hindi ako papayag na i-give-up ito, sinimulan ko, tatapusin ko!”
Hindi kaya nawalan ng confidence kay Andi ang ABS-CBN Management kaya hindi agad siya naisalang? “Hindi naman po sa ganu’n, naniniwala ako na hindi dahil sa akin. ‘Yun din naman ang pinaramdam nila, they make sure na hindi ako dapat mag-alala. Siyempre, importante po ‘yung ratings at gusto ng mga taong makita ‘yung bata. Mapagbigay naman po ang ABS kaya ibinigay nila sa publiko. ‘Eto na po ako, nagsisimula na ninyong mapanood sa Primetime Bida.”
‘Yung balita na gusto raw ni Jaclyn na ilipat ka sa GMA-7? “Hindi mo naman mapipigilan ‘yun, hindi natin maiaalis sa tao na mag-isip ‘sila ng mga ganu’n. Ang sa akin lang po, hindi po talaga! Actually, it’s not about that po. Nagkaroon nga ng ano… kinausap ng Mommy ko ang GMA para may option ako. Ginawa niya ‘yun para lang maialis ko sa isipan ‘yung sakit sa pagkalungkot. Ginawa niya ‘yun para maging masaya ako. Ayaw niyang nakikitang malungkot ako. ‘Yung feeling na wala akong kakuwenta-kuwentang tao, ganu’n po. Hindi ibig sabihin tatalikuran ko, kaya ako nandito dahil ito gusto kong gawin. Pinaramdam ni Mommy sa akin na hindi ito ang end of the world,” paliwanag ng dalaga.
Hindi ipinagkaila ni Andi na nakabantay si Mommy Jaclyn everytime na nagte-taping siya. “Ngayon po todo-todo ang pagtutok ng Mommy ko sa akin. Inaalagaan po niya ako at binabantayan, just to make sure na tama po ‘yung ginagawa ko. Binibigyan niya ako ng pointers when it’s come sa acting. Sabi ng Mommy ko, kailangan sa akin manggagaling para lumabas na natural ‘yung acting ko. Hindi porke anak ako ni Jaclyn Jose kaya ako nandito sa showbiz. Nandito po ako dahil gusto ko ang ginagawa ko, hindi dahil artista ang mga magulang ko. Siyempre, hindi pa po natin alam kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa paglabas ko.”
Inamin ni Andi na ibayong paghahanda ang ginawa niya rito. Nagpapayat nang husto para maging kaakit-akit sa televiewers at magampanan nang buong husay ang papel niya bilang sina Agua at Bendita. “Thirty pounds po ang nawala sa akin at kailangan ko pa ring magbawas. I just go on a diet pa rin po. Sa taping namin, pulos swimming at saka madalas nasa dagat ako. Siguro ‘yun na po ang form of exercise na nakukuha ko regularly.”
Para kay Andi, she finds out it’s more challenging playing the role of Bendita. “At first, I thought that Agua will be challenging because I always wanted to do drama. Mahilig po ako sa drama, hindi ko po ever nakita ‘yung sarili ko bilang isang kontrabida. Sabi ng Mom ko, medyo nakaaawa raw ‘yung itsura ng mukha ko kaya hindi bagay sa akin ang kontrabida.
“Nu’ng magsimula na akong mag-taping, sinabi po nila, I was doing a good job kay Bendita po. Mas madali pa palang maging salbahe kasi po mas normal na tao ‘yung movement ni Bendita kaya po mas madali. ‘Yung kay Agua po medyo animated kaya nakapaninibago. Kahit po mabait kang tao, ‘yung mga movement ni Agua, facial expression shot hindi siya normal. As of now, mas relax ako sa role ni Bendita,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield