SUPER HAPPY ang media people sa pagbabalik ng blockbuster komiks master na si Direk Carlo J. Caparas sa pelikula niyang “Angela Merkado” na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann. Ito’y dinirek noon ni Lino Brocka at nanalo ng grandpix in a prestigious festival in France during the 80’s. Agaw-eksenang dumating sa presscon ang lead star na si Andi sa kanyang sexy outfit na litaw ang kalahati ng boobs sa kainitan ng araw.
Pagmamalaking sinabi ni Direk Carlo na si Andi ang kanyang first choice for the title role, “Sa tingin ko, hindi kayang gawin ng ibang artista ang ginawa rito ni Andi. Ayaw kong tawaran ang kakayahan ng ibang artista. Kung gagawin ko uli ang Angela Merkado si Andi pa rin ang kukunin ko. Napakagaling niyang artista at napaka-professional. Wala kang maririnig na complain galing sa kanya kahit may ilang eksenang totoong nasaktan siya nang pagsisipain ni CJ Caparas pero tinuloy pa rin niya ang eksena.”
Pahayag ni Andi, “Nagpapasalamat ako kina Direk Carlo at Tita Donna (Villa), sa akin binigay ang project na ito. Siyempre may pressure, kinakabahan ako, natatakot na baka hindi ko magawa ‘yung ginawa niya (Hilda Koronel). Ginagawa ko lang ang trabaho ko as an actress. Maraming mahihirap, masakit na mga eksenang ginawa ko.” Mas matindi raw ang ginawa ng mga rapists na sina Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Rocco, Polo Ravales, and CJ Caparas kay Andi compared sa original version ni Hilda.
Hindi maiiwasang i-compare si Andi kay Hilda as an actress dahil sa role na pareho nilang ginampanan. Magkaiba raw ang acting performance ng dalawa. Nasabi nga ni Direk Carlo na hindi puwedeng i-compare ang level ng performance ni Hilda kay Andi. “For me, porke ako ang director niya, Andi… best performance. Sa National Artist na si Lino Brocka noong panahon na ‘yun, si Hilda ang best para sa kanya.” Sa original version, mild lang ang pagkaka-present ni Direk Lino sa rape scenes ni Hilda. Sa version ni Direk Carlo, ipakikita ng award-winning director kung papaano pinahirapan ng mga rapists si Andi bago nila ito gahasahin. Sa trailer ng pelikula, makikita ang pagka-sadista ng mga rapists.
Ibinahagi ni Direk Carlo ang pagkakaiba ng “Angela Mercado” ni Hilda Koronel kay Andi Eigenmnn. “Ang atake ni Hilda ‘yung sobrang awa. Dito sa ginawa ko kay Andi, ‘yung performance, ‘yung atake niya sa role. Ito makare-receive ng sympathy sa mga tao. Sabi ko nga, noong si Hilda, kaaawaan mo, parang babaha sa Manila. Kapag umiyak si Hilda, p’wede ka nang mag-shampoo sa dami ng luhang papatak. Tiyak dito na hindi papatak ang luha ni Andi. Ang luluha rito ‘yung kalooban niya, hindi ninyo makikita ang luha, kung hindi sa kalooban niya. At makikita ninyo ‘yung anger sa mata niya. Iba ang atake ni Hilda, ibang-iba ang attack ni Andi.”
Malaki ang pagbabago ni Carlo J. Caparas ngayon kaysa sa dati, kuwento ni Donna. Pati nga raw sa pananamit at pag-uugali. “Si Carlo mas may energy pa ngayon kasi nakapagpahinga sandali. In fact, ‘yung meeting namin sa TV at pelikula, kailangan ng energy. In the following days to come, Carlo J is definetely back talaga.”
Bago matapos ang presscon, curious na tinawag ni Tito Alfie Lorenzo si Andi para alamin mula sa kanya kung sino kina Jake Ejercito at Albie Casiño ang ama ng kanyang baby girl. “Sino nga ba talaga ang ama ng anak mo? Sabihin mo na ang totoo.” Diretsong tanong ng batikang kolumnista. “Nasabi ko na po, si Jake ang ama ng anak ko. Ay, baka magalit sa akin si Tito Joseph (Estrada),” mabilis na sagot ni Andy.
May katuwiran naman palang magalit ang pamilya ni Albie kay Andi sa pagkakasangkot ng hunk actor sa pagbubuntis ng actress. Sa simula pa lang, takot na inilihim ni Andi na si Jake ang ama. Hindi lang agad maamin ng controversial actress na ang anak ni Laarni Enriquez kay Erap ang ama ng kanyang anak, dahil makaaapekto ito sa political career ni Mayor Estrada noon.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield