Andi Eigenmann, ang lakas ng loob mag-bikini

Andi-EigenmannISA PANG lait ang inabot sa social media lately ay itong si Andi Eigenmann. Kasi naman ay nag-attempt pa ang hitad na magsuot ng one piece bikini while in Boracay with rumored boyfriend Jake Ejercito.

Unflattering ang shot na nakita namin sa Facebook which caught Andi, Jake and a non-showbiz guy. Kasi naman, halatang-halata ang parang baby fats yata sa gilid ng boobs ni Andi. Ang daming nag-react ng negative about the photo.

“ayyyy…?? Bkt gnon ang dede nya bka taba lng yan ndi dede, hahaha!! Shock nman hmmmm, lol.”

“Haro jozkoh!!! Ang dede nya parang sinusuhan ng sampung biik!!!hihihi.”

‘Yan ang mga walang takot na panlalait ng fans kay Andi. But one mustered enough guts para ipagtanggol ang aktres and said, “Wag nyo laitin si andi kawawa naman. Magaling naman siya. At anak siya ni kapuso jacklyn jose at sister ni kapuso gabby eigenman. Kayo naman oo.”

WALANG KASO kay Jonas Gaffud, beauty queen maker, kung ilang ulit mang sumali ang isang aspiring beauty contestant.

“Nangyayari rin naman ‘yan sa buong mundo hindi lang sa Philippines. Kunwari may Miss USA noong 2008, four times siyang sumali ng Miss Texas puro runner-up siya. Finally, nanalo na siyang Miss Texas. Eventually, nanalo siya ng Miss USA, then nag-top ten siya sa Miss Universe. Siguro, ako, ang masasabi ko lang as long as wala silang ginagawang masama, as long as to get to the crown ay malinis lahat, maayos,” paliwanag ni Jonas sa amin sa launching ng kanyang advocacy entitled Project Beautiful You.

Na-inspire si Jonas na gawin ang Project Beautiful You dahil na rin sa kanyang sari-saring experiences sa mga beauty pageant.

“Naisip ko masyadong tinitingala ang beauty queens, ang pageants sa buong bansa. So parang ano ang kanyang relevance sa mga kabataan, sa society. Itong advocacy ko na naisip ko after doing pageants for 13 years na sana mabigyan ng hustisya ang pag-evolve ng beauty pageants lalo na ngayon. Ano nga ba ang relevance niya? Ginagawan ko siya ng paraan para maging relevant pero hindi lang beauty contest ito, hindi lang about beautiful women. Pero dahil uso ang beauty contest sa Pilipinas ay ‘yun ang aking unang tatargetin.” Ang maganda sa advocacy ni Jonas ay gusto niyang pag-isahin ang mga beauty queen, walang kampo-kampo.

Kasama sa project niya ang pagbibigay ng talk about proper make-up, proper posture and many others. Meron ding online community. Lahat sila kailangang maging member ng online community, ang ww.projectbeautifulyou.com na bukas na para sa gustong sumali.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDonita Rose, big boss ang nakabangga kaya natsugi
Next articleClaudine Barretto, handang makipag-ayos kay Raymart Santiago

No posts to display