ANG HUSAY at inosenteng look ang naging dahilan kung bakit daw si Andi Eigenmann ang first choice ni Direk Carlo J. Caparas para gampanan ang classic film na Angela Markado. Kaya naman daw mali ang bali-balitang hindi si Andi ang first choice.
Ayon nga kay Direk Carlo, taglay raw ni Andi ang mga katangian para maging isang Angela Markdo, kung saan ang mga kuwalipikasyon na hinanap ng award-winning director ay isang actress na puwedeng maging inosente ang hitsura at magaling umarte, at lahat daw ng ito ay tinataglay ni Andi.
Dagdag pa ni Direk Carlo, napahanga siya ni Andi sa dedikasyon nito sa kanyang trabaho dahil nga sobrang hirap ng role na ginagampanan nito specially the rape scene, na halos mabugbog ang actress ay wala kang maririnig na reklamo mula rito.
Kabituin ni Andi sa pelikula sina Polo Ravales, Ana Roces, Marita Zobel, Bembol Roco, Bret Jackson, Mica Dela Cruz, Buboy Villar, Bugoy Cariño, Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, and CJ Caparas with special participation of Atty. Persida Rueda-Acosta, mula sa direksiyon ni Carlo J. Caparas under Oro De Siete Productions, Inc. and Viva Films, at mapanonood sa Dec. 2.
John’s Point
by John Fontanilla