KAHIT na hindi na aktibo sa showbiz ang showbiz royalty na si Andi Eigenmann, tila natupad naman ang kanyang tunay na childhood dream na tumira sa isang isla.
Sa kanyang Instagram account ay nagbalik-tanaw si Andi sa kanyang ‘surfing dreams’ noong siya’y 11 years old pa lamang. Nang magkaroon siya ng pagkakataon noong kanyang early 20’s na matuto ng surfing, akala niya ay huli na para maging magaling sa larangang ito.
Ayon sa kanya, pinush niya pa rin ang pag-aaral ng surfing “because it made me happy, and it made me feel ME.”
“And now I realise that surfing (more) at 32 has been an even more meaningful experience to me. It’s never really too late to learn new things or hone a skill, and even more so to achieve a childhood dream,” paglalahad niya.
Kahit na para sa ilang tao ay simple lang ang pangarap na ito, ‘fulfilling’ ang pagtupad nito para kay Andi.
“I feel like learning something new at this point, brings new meaning and a whole new energy and excitement for life,” sambit nito. Sa katunayan, naiimagine na niya na siya ay nagsu-surfing pa rin kahit siya ay nasa 50’s na.
Masaya kami para kay Andi Eigenmann na siya ngayon ay happy and settled sa Siargao Island. Maliban sa pagpapatayo ng sariling bahay at bed and breakfast, may ilang negosyo na rin itong ipinupundar na in the long run ay makakatulong din para mag-provide ng trabaho para sa mga locals.