FROM BEING Galema, Andi will play the role of Betty na karibal ni Dyesebel sa pagmamahal ni Fredo (na gagampanan ni Gerald Anderson). Kung sa Galema ay puro mga ahas ang kasama ni Andi, ngayon naman ay mga isda/sirena.
“This will be a good idea because I’m very passionate about what I do and portraying the role of Betty na magiging kontrabida ni Ms. Anne Curtis sa Dyesebel mas may maipapakita ako na iba naman na kaya kong gawin. I’m so happy that now I’m officially a part of Dyesebel. I’m sure it’s going to be an amazing production and I’m very excited,” kuwento ni Andi according to an article of Rhea Manila Santos on push.com.ph.
Wala naman daw problema si Andi if she will be playing an antagonist in the upcoming teleserye. “Pagdating naman sa mga ganyang bagay wala naman akong hesitation as long as maganda iyong role. Sa tingin ko kaya kong maging magaling sa pag-portray ng role and at the same time it’s part of a good story. I don’t see any reason why I should hesitate to accept it.”
Tama si Andi sa kanyang pananaw. Playing diverse characters will help Andi hone her craft as a versatile actress. There are no big and small roles sa isang magaling na artista. The most important is how you effectively portray a role at kung nagmarka ba sa mga tao ang papel na iyong ginampanan.
Hindi na iba kay Andi ang mga teleseryeng may kinalaman sa tubig gaya ng kanyang fantaserye na Agua Bendita where she played a dual role.
Meanwhile, it will be the second time that Anne and Andi will work together in a project. Their first was in the 2012 movie A Secret Affair.
Kung pangalawang beses na niyang makakasama si Anne ay ito naman ang kanyang unang pagkakataon na makatambal si Gerald Anderson. “Si Gerald and si Sam (Milby), hinahangaan ko sila bilang actors and I’m very happy to be working with them also. Alam ko na marami akong matututunan sa kanila na mga panibagong experiences sa buhay ko na alam kong hindi ko kalilimutan at siguro bubuo rin ng bagong friendships. Kasi I actually have never met or been introduced to Gerald Anderson. Hindi pa kami nagkatrabaho,” sabi niya.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda