ANDI EIGENMANN, MINULTO SA SET NG ‘ALL SOULS NIGHT’?

Andi Eigenmann in ‘All Souls Night’

THIRD horror movie na pala ni Andi Eigenmann itong “All Souls Night” ng Viva Films na naka-schedule ipalabas sa October 31, just in time sa Halloween.

Yong unang katatakutan niyang movie ay ang Shake, Rattle and Roll noon na kasama niya sina Janice de Belen at Venus Raj na Pridyider episode.

Sinundan ulit ng horror movie na Tragic Theater kung saan sina Christoper de Leon at John Estrada naman ang tampok.

Kuwento tungkol sa possession ang pelikula na ipinalabas noong 2015.

Andi Eigenmann

Pero itong latest niyang movie na “All Souls Night” na nagkaroon ng media conference sa old residence nina Doc Perez at Manay Marichu Maceda sa loob ng Sampaguita Pictures compound na sa kuwento ng mga paranormal investigators noon pa man, sinasabi nila na may “something” ang bahay na hindi lang nakikita ng karamihan sa atin na walang special talent sa ganitong bagay.

Sa naturang event, naikuwento ni Andi na during the shooting for the film, may isang pagkakataon na ay nakita siyang isang “production staff” na nakasuot ng black leather shoes at naka-pormal. Hindi naman extra or kasama sa pelikula. In short, solo eksena yun ng aktres.

Ang akala nga niya ay kasama ito sa production team na nang ma-mention niya sa isang production staff ng pelikula ay nagtagtaka ito gayog most of the technical and production staffs ay naka-rubber shoes or naka-casual lang.

Bigla nangilabot si Andi nang sabihin sa kanya na walang ganun sa shooting nila at that time.

Andi Eigenmann in ‘All Souls Night’

Hindi man naniniwala sa mga usaping paranormal or mga ghost, ang pagkakataon na yun ay nakaranas ng biglang pagtaas ng kanyang balahibo (goosebumps) ang aktres.

At the mediacon, inimbitahan ng Viva Films ang grupong V2 Project na isang kilalang paranormal researcher na naitatag noon pang 1972 to do a session with Andi.

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleKris Bernal, happy sa estado ng career sa Kapuso network
Next articleCARLO AQUINO and ANGELICA PANGANIBAN: Maybe We Can Be Together Again?

No posts to display