TUMATAK SA isip ni Andi Eigenmann ang tragic experience niya habang sinusyuting ang pelikulang Tragic Theater ng Viva Films na showing na sa Jan. 8.
Aksidenteng nahulog si Andi sa nakataling harness sa kanya habang may eksenang naka-hang siya sa ere. Ayon sa direktor ng pelikula na si Tikoy Aguiluz, maaaring ang mga Latin lines na dialogue ni Andi habang naka-harness ang dahilan kung bakit siya nahulog.
“We all know that the film is about exorcism and possession. We were shooting that scene na nakalutang ako sa ere as seen on the trailer. Tapos, habang nagtu-throw lines kami ni Kuya John (Estrada), because I needed to practice my lines because I was speaking in Latin.
“Habang nagre-rehearse at nagtu-throw lines kami ni Kuya John, as I blurted out my first line, pumiglas ‘yung tali ng harness. I fell about between 10 and 15 feet off the ground,” kuwento ni Andi.
Nagpapasalamat si Andi na kahit naaksidente sa syuting ay safe pa rin siya.
“Masuwerte ako na walang serious injuries internally and externally. But I did have a very big black bruise on my right thigh, tapos sobrang namaga po siya and I couldn’t walk for a few weeks.
“Hindi raw ako gumalaw, eh. Pero thankfully, dahil kung gising ako, kung aware ako sa nangyari na I was falling, baka gumalaw ako or something, baka ‘yung bagsak ko, mas masama,” pagre-recall pa niya sa shocking experience.
La Boka
by Leo Bukas