ANO ba? Lukring talaga itong si Andi Eigenmann na binura ang kanyang Twitter account, ayon sa kuwento ng kaibigang Arniel Serato ng PEP.
Sayang at ang dami nang followers ng aktres na umaabot na nang halos 1.3 million followers.
Ang dahilan sa pagbubura niya ng naturang account: “Ayaw ko naman po kasi talaga na magsalita. But because Twitter is there, whenever I let my feelings get the best of me, ‘yan ‘yung outlet ko palagi.
So, huwag na lang ako mag-Twitter para wala na lang outlet at all.”
Sa edad niyang 26, alam na dapat ni Andi ang pagkakaiba ng tama sa mali. Siya mismo, ang personal niyang buhay ang kinakaladkad niya sa spotlight.
Kung tama ako, minsan na ring nangako ang aktres na never, ever, na raw siyang magsasalita kung sangkot sa usapin ang ama ng anak (Ellie) niya na si Jake Ejerito.
Ewan ko kay Andi, she always want some attention na ang usaping tapos na at sarado, na p’wede namang pag-usapan outside of social media ay mas gusto niyang ipagpag in public (lalo na on her Twitter account).
Kabaliw. Sa edad niya ay ngayon lang talaga niya napagtanto na ang kaguluhan ng buhay niya (isama na pati iskandalo at kontrobersiya) ay dahil sa kanyang pagkadalahira at pagkatsismosa na gusto talaga niyang i-share sa publiko.
Pustahan, sigurado ako na temporary lang ito. Abangan ang buwelta ni Andi at pag-ekesena. Hahaha!
Sayang ka, Andi. Kawawa naman si Ellie.