NALOLOKA lang ako sa inconsistency nitong si Andi Eigenmann. Heto’t ride to heaven na naman siya sa isyu nila ni Jake Ejercito, ang ama ng anak niyang si Ellie.
Sa farewell presscon ng afternoon seryeng “The Greatest Love” sa Kapamilya Network, kung saan bida si
Sylvia Sanchez at si Andi ay isa sa mga anak niya rito, nagkuwento na na naman si Andi sa media imbes na iresolba niya ang problema nila ni Jake na sa kanilang dalawa lang.
Akala ko ba na hindi na siya magsasalita tungkol kay Jake at sa kung ano mang tungkol sa kanilang dalawa? Kung ano man daw ang personal nilang problema ay aayusin nilang dalawa para hindi na ma-hype ng media, tulad nga nitong visitation complaint ni Jake tungkol sa anak nila.
Balita kasi ng isang tsismosa sa social media, iniligaw diumano ng aktres si Jake sa totoong location ng graduation ni Ellie, rason para hindi makadalo ang ama.
Kinumpirma rin ng aktres na ang tweets niya kamakailan na binura niya ay para kay Jake.
Say ni Andi sa isang niyang tweet, “Pls ask urself 1st if this is really for the wellbeing of ur child or just for ur ego? Just quit it man.”
Sa isa pang buradong tweet, ani Andi, “It was diff then, cus i was hurt, and i loved you. But now that i don’t, pls just trust that I want what’s best for her and that includes u!”
Kaloka lang kung seseryosohin mo si Andi. May sariling pautot na ewan kung kailan niya paninindigan ang mga sinasabi niya at kung kailan siya titigil. Daming paliwanag ng aktres sa bagong isyu. Paulit-ulit, walang bago.
Natawa na lang ako sa sinabi niya sa media yesterday (Sunday), “Pero sobrang… as in magpapaka-aktibista talaga ako ‘pag sinet-up nila ako or nag-ano sila nang hindi totoo or sinira nila ako.”
Kaloka ka, ‘teh! Ubir ka! Parang “suka-kain” na iniluwa mo at saka mo kakainin dahil waley ka nang makain.
Sa totoo lang, based sa mga nakaraang kuwento at insidente, malapit na akong bumitaw na hindi ko na paniniwalaan ang aktres.
Summer na. Panahon ng mga kapistahan na naman sa isyung Andi and Jake. Nakasasawa ka na, Andi. Sayang ka, girl. 2017 na po.