Siguro naman, magandang karanasan na para kay Andi Eigenmann ang naging karanasan niya kamakailan sa Cannes International Film Festival.
Yes, ito kasing si Andi, emote nang emote at hugot nang hugot sa pagkapanalo ng inang si Jaclyn Jose sa nakaraang Cannes Filmfest as Best Actress at kauna-unahang Pinay na ginawaran ng ganitong parangal dahil sa kanyang performance sa pelikulang “Ma’ Rosa” mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.
Siguro naman, maraming aral ang nakuha si Andi Eigenmann na p’wedeng maging basehan niya at gabay para sa isang matinu-tinong buhay at hindi puro sa “lalaki” umiikot ang topic kapag si Andi ang pinag-uusapan.
Until now, hindi makawala ang aktres sa isyu nila ni Jake Ejercito. Hanggang ngayon, hindi siya makatakas sa isyung pahulaan kung sino ang ama ng anak niya – si Jake ba or si Albie Casiño?
It cheapens Andi na siya rin mismo ay hinahayaan na paulit-ulit inaaala sa kanya ang pagkakamali (kung pagkakamali mang matatawag ito).
Ang ina niya, 2016 Cannes International Film Festival Best Actress. Ang kuya Sid Lucero niya ay Best Actor naman sa isang film festival sa Los Angeles, California sa performance niya sa pelikulang “Toto”, habang si Andi, waley. Hindi maka-move-on sa paulit-ulit na isyu sa kanila ni Jake at ang hulaan kung sino ang ama ng anak niya.
Move on girl. Anak ka ng dalawang magagaling na artista sa showbiz. Huwag kang talunan, dahil ang hindi mo pag-level-up mula sa iyong nakaraan ay kagagawan mo rin.
Ang nanay mo, Cannes Best Actress, habang ikaw ay waley at puro emote at hugot na lang sa mga interviews. Move on, Andi. Nakapanghihinayang ka.
Reyted K
By RK VillaCorta