Andi Eigenmann, pinatatanggal na ng inang si Jaclyn Jose sa Agua Bendita?!

NAALARMA NA RAW si Jaclyn Jose, mommy ni Andi Eigenmann dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin napapanood sa Agua Bendita ang kanyang anak. Ito nga ba ang magiging katapat ng Panday Kids sa Kapamilya network?

Balitang-balita na kasi na hahabaan ang participation ng batang gumaganap bilang young Andi sa serye. Mahusay rin kasi ang bata at kinaya nito ang challenge ng dual niyang role. Maganda rin ang effect ng pagiging kambal nila, kung kaya’t may sarili nang mga tagahanga ang bata ngayon pa lamang.

Dahil mga bata rin ang bida ng Panday Kids, pinag-iisipan na ngayon ng mga nasa likod ng Agua Bendita na maging bata sa bata ang labanan.

Paano na nga naman si Andi na lalabas lamang kapag nag-dalaga na ang mga batang sina Agua at Bendita. May katuwiran ngang maalarma ang mommy ni Andi.

Hindi maiiwasang maiyak si Andi, dahil ang alam niya’y ilalabas siya agad. Pero, sa takbo ng mga pangyayari ay mga Abril pa raw ang dramatic entrance niya sa ere. Nasa puntong gusto na raw i-pull-out ni Jaclyn ang kanyang anak dahil, lungkot na lungkot ang kanyang dalaga. At kung gaano ito kasaya at ka-proud noong ipinalalabas ang trailer ng fantaserye (habang ipinapakita siyang lumalangoy sa swimming pool at agad nang pinapantasya ng mga kalalakihan) this time ay iba na ang nararamdaman nito.

[ad#ad-text-links-1]

Nakadagdag pa sa lungkot ng mag-inang Jackie at Andi ang katotohanang naging blockbuster sa takilya ang Panday sa nakaraang Metro Manila Film Festival.

Pero, dapat lang sigurong magtiwala sila sa kakayahan ng Kapamilya network sa ganitong klase ng labanan. Kailangan lang nilang maghintay-hintay sa susunod na hakbang ng mga nasa likod ng Agua Bendita.

SAMANTALA, UMAARANGKADA PA lang ang promo ng Panday Kids sa trailer ay sobra-sobra na ang response ng televiewers. Ganu’n na lang ang tuwa ni National Artist Carlo J. Caparas (at better-half niyang si Donna Villa) na siyang may obra ng bagong fantaserye na mamahalin ng madlang pipol.

“Hindi pa rin nawawala ang magic ni da King Fernando Poe, Jr. sa puso ng mga Pinoy televiewers,” ani Carlo sa isang interview. “Ini-expect ko na ito, pero hindi ko akalaing sa unang arangkada pa lang, ipararamdam na sa akin ng mga fans ni Panday na buhay pa rin sa kanilang alaala ang nilikha nitong magic!” Iyon ang kaibahan ng telebisyon. Libre ang mga bata at buong pamilya na sumubaybay sa gusto nilang mapanood. Hindi tulad sa sinehan na kailangan pang magkaroon ng ibabayad sa takilya para sila lumigaya.

“Nagiging generous din kasi ang mga tao sa mga kapit-bahay sa ganitong mga pangyayari. Hinahayaan nilang makinood ang mga kakilala, kaibigan at iyon nga, mga kapit-bahay. Sabay-sabay silang nagsisigawan kapag nakikipaglaban ang kanilang paboritong bida. Sa Panday Kids, maging bidang-bida dito sina Buboy Villar (bilang Oliver), Julian Trono (bilang Hadji), at Sabrina Man (bilang Charlie). Ganu’n din sina Iza Calzado (bilang Maria Makiling), Jackie Rice (bilang Sarah) at lalung-lalo na si JC de Vera (bilang Aureus), ang tagapag-alaga ng tatlong bata.”

Hindi rin makapaniwala ang director nitong si Mike Tuviera, kung kaya’t pinapanay-panay niya ngayon ang pakikipag-dialogue kay Carlo, para lubos niyang maunawaan ang dahilan kung bakit sabik na sabik pa rin ang mga televiewers sa kanyang mga obra.

BULL Chit!
by Chit Ramos

Previous articlePiolo Pascual, bubuyangyang na sa coffee table book?!
Next articleDahil kay John Lloyd Cruz: Ruffa Gutierrez, nakatatanggap ng mga pangit na text mula kay Shaina Magdayao?

No posts to display