SA TOTOO lang, naaawa ako kay Andi Eigenmann. Hanggang ngayon, tila tuliro pa rin siya sa kinahinatnan niya kung bakit naging single mom siya.
Kung maaalala pa, si Andi, nag-jack en poy at pinagpilian kung sino ba talaga ang ama ng anak niya. Si Jake Ejercito ba na binatang anak ni Manila Mayor Joseph Estrada at dating artista na si Laarni Enriquez o ang guwapong sexy hunk na si Albie Casino of the On The Wings of Love kilig-serye? Noon ‘yun, pero nairaos din niya.
Tuloy, nagmukhang katawa-tawa si Andi sa kaganapang ‘yun. Ikaw ang babae, dapat alam mo kung sino sa dalawang lalaki ang naka-bulls eye sa iyo para magbunga ng napakagandang baby girl ang pagiging “salawahan” mong ‘yun.
Pero nakaraan na ‘yun. Nairaos din niya na ipinanganak at binuhay ang bata sa tulong ng ina na si Jaclyn Jose.
Natahimik ang mundo ni Andi. Pumalaot siyang mag-isa na kung minsan ay may Jake na sumisingit-singit na ewan, kami rin ay naguluhan at ‘di alam, kung saan pumasok naman itong si Bret Jackson (ang Mestisong co-star niya sa remake ng Angela Markado ni Direk Carlo Caparas), at nasama rin ito sa mga choices sa buhay ni Andi.
Pero ang nakakatawa, akala ko ang nangyari kay Andi ay sapat na karanasan na nagpatibay sa posisyon niya bilang isang ina, lalo na bilang isang babae. Pero nang may lumabas na balita tungkol sa DNA result na noong una ay idinadawit si Albie na tatay raw ng anak niya, pinatunayan ng resulta na waley at hindi totoo. Heto na naman si Andi, kuda na naman nang kuda. Isinisigaw na si Jake lang ang lalaki. Si Jake lang ang ama ng baby niya at wala nang iba.
Kung ako sa kanya, quite na lang siya. Tulad ng istilo ng pasasalita niya na hindi matapos ang isang sentence na akala mo litung-lito siya (na pakiwari ko ay hinahagilap niya ang mga salita na sasabihin na tuloy ang kausap niya naliligaw na rin tulad niya), ang kuwento ng pagiging dalagang ina niya, ang pakikipagrelasyon niya kay Jake, at sa kung sino mang lalaki na darating sa buhay niya, repleksyon lang ng magulong isip ni Andi.
Pero ihiwalay mo ang personal na buhay ni Andi sa kanya, aprub siya sa akin bilang isang artista. Magaling naman kasi siya. Tulad sa kanyang pinagmanahang ina at ama na si Mark Gil, magaling na artista si Andi na rason para personal choice siya ni Direk Carlo para gawin ang remake ng kontrobersiyal na pelikula noon ni Hilda Koronel. Para sa direktor, no other choice kundi si Andi lang ang puwedeng gumawa ng remake ng pelikula na sinulat ni Direk sa komiks noon at ngayon ay siya ang magdi-direk.
Ang Angela Markado na palabas na sa December 2 ay produced nila ng misis niyang si Tita Donna Villa. Makakasama ni Andi as her rapist sina Polo Ravales, Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, at CJ Caparas (anak ni Direk Carlo).
Reyted K
By RK VillaCorta