HANGGANG NGAYON, isang malaking palaisipan pa rin sa publiko kung ano talaga ang totoong estado ng relasyon nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. May iba pa rin na nalalabuan sa samahan ng dalawa. Are they friends or lovers? They have been spotted several times at kahit sa Instagram ay makikita ang kanilang mga photos na magkasama.
Andi admitted last January, “I guess we are considered a couple but we’re not in a labeled relationship. As long as he’s not based here, hindi mababago iyon.” Jake is currently based in Singapore because of his studies.
Pero sa last interview with Jake, iba ang sagot niya when asked tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Andi. “No, no, no! We’re still young. I’m still studying and she’s been very busy with all her projects. We’ve been good friends ever since naman.”
Andi clarified their contradicting statements when she guested on Buzz ng Bayan. “Kung ano ang nangyayari sa buhay namin, sa aming dalawa na po iyon. Lagi ko pong hinihingi na sana respetuhin natin iyong privacy ni Jake bilang hindi naman siya celebrity. He’s not obligated to share his personal life to the world if he doesn’t want to.” I told Andi that Jake is so public because of his family kaya hindi maiaalis sa mga tao na maging interesado tungkol sa kanya.
Andi insisted that she didn’t take it against Jake kung nakapagbigay man ang binata ng taliwas na pahayag. “Hindi naman sumama iyong loob ko. Para sa akin, kung ano iyong komportable si Jake na sabihin, kung ano lang po iyong kaya niyang ibahagi sa mga tao, kailangan respetuhin natin iyon,” she said.
“Hindi ko iyon tinake against him. Lagi niyang sinasabi na, ‘Sinabi ko friends tayo pero nakikita din naman iyong posts ko sa Instagram. It’s public. We are always together.’ It’s basically what you see is what you get. Ako, sandyang vocal lang talaga ako na tao. It’s not hard for me to be open kaya iyong mga sinasabi namin hindi magkatugma.”
Sinabi ko kay Andi na sa tingin ko, it was Jake’s way of protecting whatever they have or whatever they don’t have. May mga bagay lang talaga na hindi dapat sabihin and we respect their decision kung hanggang saan lang ang kaya nilang ibahagi sa publiko.
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda