UMAARIBA NGAYON ang showbiz career ni Andre Paras, anak ni Benjie Paras. For the first time, magkasama ang mag-ama sa biggest horror-comedy film ng taon, ang “Wang Fam” na pinagbibidahan ni Pokwang under the the direction of alltime box-office director na si Wenn V. Deramas ng Viva Films. Kasama rin sa cast sina Candy Pangilinan, Wendell Ramos, Atak, Arana, Abby Bautista, Dyosa Pockoh, at ang bagong child wonder ng local showbiz na si Alonzo Muhlach.
This time, magko-comedy si Andre with his leading lady Yassi. Maraming nakakIkilig na eksena ang dalawa na magugustuhan ng kanilang mga fans. Ini-enjoy ng young actor ang bawat scenes nila ng dalaga. Kung sa pelikula, nanliligaw si Andre kay Yassi Pressman, maging sa totoong buhay, tinototoo na yata nito ang panunuyo sa young actress. Kahit nga raw tapos na ang eksena nila, hindi hinihiwalayan ng binata SI Yassi. Tipong nagpapalipad-hangin ang anak ni Benjie.
Maging si Pokwang ay napapansin ang pagiging sweet sa isa’t isa nina Andre at Yassi. “Bagay sila, parang may something sa kanilang dalawa na sila lamang ang nakaaalam. Feeling ko, kakaiba ‘yung friendship mayroon sila. Nandito lang ako anak, if ever you need my advice. Parang anak na ang turing ko kina Andre at Yassi. Masaya kami sa set, biruan, tawanan lalo na kapag nand’yan si Benjie. Kakaiba kung magpatawa ‘yan, pero behind the camera, seryoso si Benjie,” say ni Powkie.
Ginagampanan ni Pokwang ang pangunahing papel ni Malou, ang bukod-tangi at pinakahuling virgin sa isang aswang clan. Nakatakda siyang isakripisyo bilang alay sa kanilang pinuno ng nag-iisa niyang kapatid na si Jok-Jok (Wendell). Na-in love si Powkie kay Benjie (Bu Wang) at naging anak nila si Andre (as Duke Wang) na magkakagusto kay Yassi (as Elenita Sera).
Inamin ni Andre na mahirap palang maging comedian. Buti na lang, nand’yan ang Daddy Benjie niya to guide and give him some pointers sa mga comedy scenes. “In everything you do, you have to enjoy it. Be serious to your craft as an actor/ comedian para ma-satisfy mo ang audience. Sabi nga ni Daddy, napakaimportante ang timing sa pagdi-deliver ng dialogue para maging effective. Mas mahirap magpatawa kaysa mag-drama. Lahat kailangang matutunan at ma-experience to improve your acting ability as an actor. Marami pa akong dapat matutunan and I’m willing to learn,” sambit ni Andre.
Binanggit namin kay Andre ang leading lady niyang si Yassi, attracted nga ba siya sa dalaga? “Ofcourse, she’s pretty ang intelligent, very witty. She’s funny, nice to talk with, may sense of humor. Pareho kaming mahilig sa music, magkasundo kami sa maraming bagay. We enjoy each other’s company. As of now, we’re friends, I like her much. I don’t know kung saan papunta ang friendship na mayroon kami. Siyempre, priority muna namin ang career, kung sa bandang huli kami talaga ang magkakatuluyan, mangyayari ‘yun,” pahayag ni Andre.
May chemistry as loveteam sina Andre at Yassi kahit pareho silang Tisoy at Tisay. ‘Yun ang nakita ni Vic del Rosario kaya sila bini-build up. Katunayan nga, may solo movie na ang dalawa, next year ipalalabas. Kakaiba sa mga romantic -comedy ating napanood na.
Teka, kung matuluyan na ngang magkamabutihan sina Andre at Yassi, papaano na si Barbie Forteza na napabalitang na-link dein sa binata na leading lady niya sa “The Half-Sisters” ng GMA-7. Maganda rin ang samahan nila sa isa’t isa habang ginagawa nila ang nasabing drama series na nag-number 1 sa TV rating. Nang huli naming makausap si Barbie, magaan ang loob niya kay Andre. Posibleng maging sila kung sakaling seryoso itong manligaw sa kanya.
Mas matagal naman kasi ang pinagsamahan nina Andre at Barbie compared sa friendship mayroon sila ngayon ni Yassi. Sino kaya kina Barbie at Yassi ang malapit sa puso ng young actor? Very safe ang naging sagot ni Andre, “Their both my friends, nothing serious going on…” Ganu’n? Sige na nga…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield