FOR ONCE, naa-appreciate namin ang unusually disturbing quiet ng manager na si Becky Aguilar over the alleged video scandal involving her ward Andrea Brillantes.
Very un-Becky ang kanyang pananahimik knowing full well that Becky is one person who does not only speak her mind, kundi mabilis na to the rescue sa kanyang mga alaga dragged in negative publicity.
Dahil sa maselang isyung kinapapalooban ng dose anyos na si Andrea, the case is best left for her parents to deal with with a common objective: ang pangalagaan ang karapatan at reputasyon ng kanilang anak nang matigil na ang viral video nito from further circulation.
Spare the child. For all its adverse effects that the video has on her, hayaan na natin ang batang ito to spring back from the scandal and live a normal life like a 12 year-old girl would.
Sari-sari pang tsismis ang naglalabasan, na kesyo ang menor de edad din daw nitong nobyo ang nag-upload ng naturang video. Allegedly, ideya raw ng boyfriend ni Andrea ang napapanood sa video on the pretext that the material was not for public consumption.
Napilitan lang daw si Andrea na gawin ang bagay na ‘yon which was against her will dahil nagbanta raw ang nobyong ikakalat ang nauna pang video nito.
Alam nating lahat na ang mga kabataan in the “now generation” are way too different from the youth of yesteryears. Mas exploring at adventurous ang mga bagets ngayon, kundi man unaware of the consequences of their irresponsible actions.
Dahil daw ‘yon sa social media, but we dare say that modern technology is a necessity para makisabay sa isang fast-paced, competitive world.
Ang problema, obviously it seems, is the irresponsible use or abuse of cyberspace. Manood kayo ng Startalk bukas dahil ito ang tatalakayin ng programa.
VAIN THAT she is, balak ni Mama A na lumipad patungong Germany para magpa-stem cell. Realizing how dear it costs kung kaya’t kailangan na niyang maibenta ang bahay na tinitirhan ng Ismol Family.
But how? Mailap ang mga prospective buyers kaya naisip niyang ipa-feng shui ito. Ayon sa geomancer na si Ney-Ney, isa sa dalawang pangontra ng tila malas na bahay ay isang singsing. Eh, magkano naman ‘yon?
Meanwhile, magugulo ang mag-asawang Jingo at Majay. Nahihirapan kasing labhan ni Majay ang catsup-stained bedsheet, pero hindi ba’t noong nagtatrabaho siya sa Dubai ay labandero ang role ni Jingo?
In the same manner, nasira ang sampayan ng pamilya at nagpapahanap ng welder si Majay. Pero teka, didn’t she work as welder in Dubai?
Ito namang si Ethan at barkada niya ay nakaispat ng look-alike ni Yumi (na nasa London). Sino kaya ang kahawig na ‘yon ni Yumi? And will Ethan fall for her Yumi’s clone?
Abangan ‘yan ngayong Linggo sa Ismol Family sa GMA.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III