Andrea Brillantes, ‘di pinayagan na makasama sina Zanjoe Marudo at Bea Alonzo sa Hong Kong

Zanjoe-Marudo-Andrea-BrillantesNALALAPIT NA ang pagtatapos ng top-rating family drama na Annaliza ni Andrea Brillantes. Sa finale presscon, sinabi ng business unit head na si Ruel Bayani kung gaano kagaling ang binansagang ‘Tween Superstar’ ng Kapamilya network.

Ayon sa kanya, hindi lang nakuha ng Annaliza ang puso ng mga manonood, matagumpay rin nilang nahanap ang susunod sa yapak nina Judy Ann Santos at Bea Alonzo.

“Maganda ang magiging future ni Andrea sa showbiz. Sa ganda at husay nito sa pag-arte,  alam mo na ngayon pa lang, malayo ang kanyang mararating.”

Ikinuwento ni Andrea na maraming pagbabago sa kanyang buhay nang gawin niya ang nasabing drama series. Marami na ang nagpapa-picture sa young star. Dumarami na rin ang followers nito sa Twitter at Instagram. Naramdaman ng bata na maraming nagmamahal sa kanya lalo na ang buong cast na sina Zanjoe Marudo, Carlo Aquino, kaye Abad at Denise Laurel.

Katunayan nga, binuking ni Direk Ruel na may plano pala si Zanjoe at Bea Alonzo isama si Andrea sa Hong Kong. Pero hindi pumayag ang unit business head na i-join nila ang bata. Nag-aalala ito na baka mawala si Andrea tulad nang nangyari sa indie film na “Alagwa” ni Jericho Rosales, nawala ang anak niya sa Hong Kong na katatapos lang panoorin ni Direk Bayani. Nag-overnight na lang si Andrea sa bahay ni Bea kasama ang Tatay Zanjoe.

Ipinagmalaki pa ni Zanjoe, giliw na giliw si Bea kay Andrea, nand’yang inaayusan ng buhok at mini-make-up-an ang young star. Kahit nga raw walang okasyon palaging may padalang regalo si Bea sa anak-anakan nito sa serye. Maging si Zanjoe ay binigyan niya ng cellphone (latest model) ang tween superstar. Pagkatapos ng Annaliza, may follow-up teleserye agad si Andrea, ang Hawak Kamay with Piolo Pascual at Iza Calzado. Ngayon pa lang, excited na ang young star na makatrabaho ang magaling na actor.

NANG DAHIL sa Annaliza, na-experience ni Zanjoe Marudo na maging tatay kahit sa teleserye lang.

“Malaking pagbabago sa aking buhay. Sa umpisa, hindi ko pa alam ang gagawin ko,nalilito pa ako. Nang gawin ko ito, nalaman ko kung anong project na magwo-work sa akin as an actor. Mabigat, heavy drama ito ,inaral ko siya. Paano magmamahal nang isang bata na hindi ko naman kaanu-ano. Hindi ko siya na-experience kahit sa istorya hindi ko siya tunay na anak. Siguro sa tulong na rin ng magandang istorya, script madali mong maramdaman ‘yung character na pino-portray mo. Ang gagaling ng mga katrabaho ko, ang gagaling ng mga bata, lahat sila magagaling. Ang sarap ng feeling, tumama siya sa bawat isa sa amin, ‘yung role,” pahayag niya.

Masasabing isang journey itong teleserye para sa career ni Zanjoe. Malaki raw ang naitutulong nito kung saan man siya papunta. Kahit nagko-comedy ang binata on the side, kahit papaano raw nakagagawa pa rin siya ng ganitong klaseng drama series.

Maganda ang naging comment ni Bea sa patapos nang serye. “‘Yun nga, bagay raw sa akin ‘yung role ko. Bagay raw sa akin may katabing bata. Parang lumalabas daw ‘yung personality ko at saka ‘yung personality nu’ng character. Mas nagiging natural ang pag-arte ko kapag may katabi akong bata,” say ng hunk actor.

Hindi ba nai-imagine ni Bea na magkaroon kayo nang isang tulad ni Annaliza in real life?

“Darating din naman ‘yung ganu’n  pero sa ngayon hindi pa. Hindi pa namin naiisip ‘yun. Hindi pa naman kami mag-asawa. Marami pang puwedeng pagdaanan. Nand’yan ‘yung proposal, magpapakasal ka, focus muna sa pamilya saka na muna ‘yung pang personal na bagay,” paliwanag ni Z.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Previous articleYeng Constantino, happiest woman on Earth
Next articleAi-Ai delas Alas, umiiwas ‘pag si Kris Aquino ang topic

No posts to display