NAHIHIYANG nagbigay ng reaksyon si Andrea Brillantes nang makausap siya ng entertainment presss sa presscon ng pelikulang Kahit Ayaw Mo Na tungkol sa obserbasyon ng marami na kahawig niya si Liza Soberano at para siyang young version ng aktres.
“Hindi totoo, pramis, ang layo-layo,” nahihiyang pahayag ni Andrea.
“Ang ganda-ganda kaya ni Ate Liza. Siyempre, ayokong maniwala, pero sa mga nagsasabi, thank you and nakakakilig. Kasi siyempre, Dyosa si Ate Liza compared sa akin,” dagdag niyang pahayag.
Bukod sa pagpo-promote ng Kahit Ayaw Muna ay abala rin si Andrea sa taping ng afternoon teleserye ng ABS-CBN na Kadenang Ginto kung saan ginagampan niya ang role ni Marga na isang malditang teenager.
Paniniguro ng dalagita, malayo raw sa personality niya sa totoon buhay ang pino-portray niyang karakter sa Kadenang Ginto.
“Ang layo, kasi ang arte-arte ni Marga. Tapos siya ay laking mayaman, spoiled, laging nagsa-shopping, laging bago yung bag, bago yung shoes. Tapos bully sa school. Basta malayo, sobrang contrast kami,” paliwanag niya.
Idinagdag din ni Andrea na hindi siya nahihirapang magportray ng mataray na role sa kanilang teleserye.
“Hindi naman ako nahihirapan na i-play siya. Nae-enjoy ko naman kasi mahilig ako sa challenging roles, mas gusto ko yung natsa-challenge ako parati.
“Kapag mas mahirap yung role, mas nadadalian ako. Weird nga, eh. Mas nahihirapan ako kapag hindi challenging yung role kasi paano ko siya mabibigyan ng something kung sobrang plain lang niya,” pahayag pa niya.
Showing na sa Dec. 5 ang Kahit Ayaw Mo Na mula sa produksyong ng Viva Films at sa direksyon ni Bona Fajardo. Bida rin sa pelikula sina Kristel Fulgar at Empress Schuck.
La Boka
by Leo Bukas