AMINADO ang rapper/actor na si Andrew E na inakala niyang nawala na ang ‘Andrew E Magic’ simula nung namayagpag ang F4 at ang reality TV show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother.
Mabuti na lang daw kahit wala siyang ginagawang pelikula ay nabigyan siya ng ABS-CBN na lumabas sa teleserye kayaga ng Dolce Amore nina Liza Soberano at Enrique Gil at sa I Can See Your Voice bilang isa sa mga Sing-Vestigators.
Kuwento ni Andrew E, “Sa totoo lang, simula nu’ng F4 generation, tapos dumating yung Pinoy Big Brother, 2004 ‘yun, doon na ako naniwala na wala na ang “Andrew E magic.”
“Pero naniniwala pa rin ako na hindi pa rin nawawala ‘yung talento ko, ‘yung magic lang, the Andrew E magic.
“In fact, kung ire-revisit mo ‘yung history ng 2004, doon mo mapapansin at ramdam mong hindi na ako visible at mind you, doon ako nag-isip na dahil may pamilya ako, paano na kung wala na itong showbiz generating hanapbuhay, ano ang puwede mong gawin?
“So, from that 2004, doon ako na-in love ulit sa aking dating love. At ang dating love ko ay ang pagiging BSCS ko. Doon ako nag-focus.”
Nag-aral pala si Andrew E ng Computer Science noon kaya lang ay hindi niya raw ito natapos.
“Sabi ko, kailangang gumawa ako ng something for my family in line na hindi na showbiz para naman mag-equate ito pagdating ng araw, at mapakinabangan ko in case magtutuluy-tuloy itong kahinaan ng showbiz.
“Ito ang inabutan n’yo ngayon kasabay nitong bagong movie, Sanggano, Sanggago’t Sangwapo,” lahad pa niya.
Ngayon ay bida na ulit si Andrew E kasama sina Janno Gibbs at Dennis Padilla sa bagong pelikula ng Viva Films na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo na ipapalabas sa Sept. 4 mula sa direksyon ni Al Tantay.
“Si Janno po ang nag-bring up ng pangalan namin ni Dennis sa table ni Boss Vic (del Rosario) kaya po natuloy ang pelikulang ito. And at the same time I would like to thank also Viva Films for creating more space for us dahil alam naming masikip na masikip na at every week nagsisimula ng bagong pelikula at nagkaroon pa kami ng space para sa pagbabalik nina Mokong, Astig at Gamol,” pahayag pa niya.
La Boka
by Leo Bukas