Ang Aking Kuwento sa Hari ng Komedya

PINAPRAKTIS KO ang mag-drawing sa pamamagitan ng mga supot ng pandesal noong bata pa ako. Kaya ko naikuwento ito dahil naalala ko ang ating Comedy King na si Dolphy, may nakita ako na mukha niyang nakalarawan sa dyaryo at ang kanyang tawa ang nakaagaw ng aking pansin. Isa siya sa naging inspirasyon ko sa aking

pagiging pintor. Gumamit lamang ako ng lapis at supot ng pandesal noong una ko siyang ginuhit habang nakikipanulayan sa isang bakery at grocery sa probinsiya ko sa Bicol, sa Iriga City bagama’t sa Naga City ako laki. Bagama’t sa kakapusan ko ng pera noon, dala ko rin ang pangarap na makarating ng Maynila nang panahong iyon.

Noong 1973, nagpasiya na akong pumunta ng Maynila. Sa wakas, nakilala nga ako ng mga 90s nang mag-exhibit ako sa Ayala Malls, noon ay Greenbelt pa lamang ito, hanggang maging Glorietta. Nagkakaroon ako ng mga interviews sa mga TV, mga magasin at mga malalaking dyaryo. Sa tulong ng media, naging kilala akong pintor at dahil doon, sunud-sunod na ang aking exhibitions. Sa pagiging alagad ng sining sa pintura, doon ko nakita nang personal ang Hari ng Komedya. Siya, nakatanaw mula sa second floor sa aking mga paintings.

Pagkatingin ko sa kanya nang bahagya, ito ay napangiti na wari ay magkakilala kami. Ngunit ang katotohanan, noon ko pa lang siya nakita nang personal at may kalayuan pa. Bukod sa pagpipinta ay naging manunulat na rin ako at sa wakas ay nakontak ko ang palabas niyang Pidol’s Wonderland  sa TV5 sa may parteng Novaliches.

Aking sinadya si Tito Dolphy sa location shoot niya, pero nagbilin siya na roon na lamang sa kanyang tahanan interbyuhin. Sa pakiwari ko, gusto niya akong makausap nang sarilinan. Habang naghihintay ako sa mansyon niya ay pagkasabik ang aking naramdaman na personal kong makakaharap ang dating nai-drawing ko lang sa supot ng pandesal.

Ngayon ay makakausap ko pa siya nang one-on-one. Sa wakas, lumabas na siya at hinarap ako sa kanyang sala, ang damit niya ay puting-puti. Tinanong niya kung kumain na ako, sinabi ko naman, opo kumain na ako at tinanong niya ang pa-ngalan ko. Nag-usap kami nang masinsinan, magiliw siyang kausap, mabait, wala akong makitang bahid ng ere at kaplastikan. Naalala niya ang mga nakaraan niya kung papano siya nagsimula sa movies.

Kukunin ko ang mga ibang piyesa ng interview ko sa kanya, dahil ang iba nito ay inilabas ko na rito sa Pinoy Parazzi at sa Liwayway magazine.

Paano po ninyo na establish ang iyong kasikatan? “Well, para sa akin parang nag-iwan ka na ng legacy sa larangan ng pagpapatawa. Awa naman ng Diyos eh, mag-e-82 na ako sa July eh, kumakasa pa tayo.”

Pero ako nananalangin na lumakas pa kayo. “Basta kung ano ako noong araw, ganu’n pa rin ako ngayon. Madali akong lapitan, hindi ako suplado. Mukhang suplado lang ako. Importante talaga iyong ‘wag kang malulunod sa tagumpay. Iniisip ko rin siyempre iyong pagpanaw ko. Siyempre kasama ‘yan, eh. Isipin mo kung papaano iyong mga iiwanan mo. Kasama na ‘yung legacy na maiiwan sa iyo. Pero actually, katulad ng sinasabi ko kanina, enjoy everyday, enjoy everyday and make the most of it.”

Isang kahanga-hagang paniniwala ang kanyang binitawang salita. Tulad ng ilang beses kong panawagan, sana maging National Artist na ang Hari ng Komedya bilang pagkilala natin sa kanyang kontribusyon sa larangan ng pelikula.

Bilang paghanga sa nagawa niyang pangalan sa sining pelikula. Nagkasundo kami na gagawan ko siya ng kanyang portrait na malaki sa sukat na 41 x 60 inches at ibibigay ko na lang ito sa kanya pagka-tapos. Halos magda-dalawang taon, bago ko matapos ang masterpiece na ito.

Ito ang larawan sa canvas ni Mestro Orobia. For comments and suggestions: email [email protected]; cp.09301457621

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Maestro Orobia.

Previous articleNaka-Tapis
Next articleMarian, nagpipigil!

No posts to display