Ang Bagong Bida Sa Kalsada

KUNG PAGSASAMASAMAHIN natin ang mga balita ayon sa kategorya ng masama at mabuti, malamang ay 90% ay masasama at 10% lang ang mabuti. Ang katotohanang ito ay tila tanggap na ng bawat Pilipino at naging bahagi na rin ng ating kultura.

Ang walang katapusang balita tungkol sa pagnanakaw, pang-aabuso at pagsasabi ng mga kasinungalingan sa gobyerno at lipunan ay patuloy na nagpapababa ng ating moral bilang mga Pilipino. Ang isyu ng PDAF at ni Napoles ay tila wala namang nangyayari at nalilimutan na ng mga tao. Ang pinagdududahang Dap ni PNoy ay tuluyan na ring nabaon sa limot.

Ngayon ay kaliwa’t kanan ang mga nabibiktima ng pang-aabuso at pagpatay, at halos si Vhong Navarro at ang isyu ng pambubugbog sa aktor ang laman ng lahat ng pahayagan at social media networks. Patunay lang ang mga ito na nag-uumapaw ang hindi magagandang balita sa ating bayan.

ANG PROGRAMANG Wanted Sa Radyo ay nagbibigay pagkilala sa ating mga kababayang patuloy na nagpapakita ng katapatan at kadakilaan sa kanilang pagsusumikap na mabuhay ng marangal at matapat.

Noong Biyernes, January 31, 2014, ginanap ang 16th Gawad Katapatan sa bagong studio ng Radyo5, sa TV5 Media Center Reliance St. corner Sheridan St., Mandaluyong City.

Ang sumusunod ang mga tumanggap ng pagkilala para sa nasabing award: (1) Julius D. Sacramento ng New Culture Taxi, nagsoli ng bag na naglalaman ng $338.00, ¥54,000.00, Apple iPad at Dell Laptop, (2) Jovito A. Daquioag ng City Star Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,070.00, (3) Eduardo Ledaros Jr. Ng Freedom Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P4,250.00, (4) Florencio O. Alcaide ng Zell Taxi, nagsoli ng wallet na may lamang P2,000.00, (5) Alfredo O. Mesias ng RMBP Taxi, nagsoli ng Apple Macbook Air laptop, (6) Danilo O. Ignacio ng Jesmie Taxi, nagsoli Apple iPad, (7) Salvador N. Rebullida ng CPNIS Taxi, nagsoli ng HP laptop, (8) Rodolfo O. Lumada ng Ell & dee Taxi, nagsoli ng bag namay lamang Redfox laptop at mobile broadband, (9) Edmon F. Sebastian ng Lulu Taxi, nagsoli ng Lenovo Smartphone. At si (10) Efren R Rico, isang biker, nagsoli ng cardholder na may lamang P570.00, mga importanteng ID at cards.

Ang mga kapatid nating mga ito ang patuloy na nagdadala ng mabubuting balita sa atin araw-araw!

 ANG PAGMAMANEHO ng kahit na anong sasakyan ay hindi biro. Maraming buhay ang nakasalalay sa sasakyang gumagala sa lansangan. Kaya dapat lang na laging tiyaking maayos ang sasakyang minamaneho natin.

Ang baterya ng sasakyan ang isa sa pinakaesen-syal na bahagi nito. Hindi ito tatakbo kung walang baterya. Kadalasan ang palpak na baterya ng sasakyan ang naglalagay sa atin sa alanganin. Kung hindi pagkahuli sa pupuntahan o trabaho ay pagkawala ng oportunidad na makakuha ng malaking transakyon. Ito ay dahil sa biglang huminto ang iyong sasakyan dulot ng palpak nitong baterya.

Ngayon ay mapalad ang mga nagmamaneho at nagmamay-ari ng mga sasakyan dahil mayroon ng tunay na maaasahan sa kalsada, isang tunay na bida ng kalsada!

ANG 3K Battery ang bagong bida ng kalsada. Ito ay gawa ng Thai Storage Battery Public Company Limited. Ang 3K Battery ay ISO certified. Dahil sa makabagong teknolohiyang dala nito ay mas mahaba ang buhay ng 3K Battery kumpara sa ibang mga baterya sa merkado.

Ang 3K Battery ay may tinatawag na “high quality Plastic Envelop” na nakapaloob dito para mas maging matibay ito sa panahon at pagkaluma. Madali rin mag-start ang mga sasakyan dahil sa mas maraming metal plates ang nakapaloob sa 3K Battery na nagpapalakas ng kakayahan nitong magpaandar ng makina.

Hindi ka na rin mag-aalinlangan kung kailan dapat mag-recharge o magpalit ng bagong baterya dahil mayroon itong “eye indicator” na nagpapalit ng kulay at nagsasabi kung kailangan na itong i-recharge o palitan ng bago.

Ang 3K Battery ay may dalawang klase na pasok na pasok sa kahit na anong sasakyang gamit mo sa pang-araw-araw na pagtatrabaho. Ang 3K SMF (Sealed Maintenance Free) Battery ay ginawa para sa mga kotse, SUV, AUV, van at pick-up truck. Samantalang ang 3K LM (Low Maintenance) Battery naman ay para sa mga malala-king sasakyan gaya ng mga bus, trucks at heavy equipments.

NOONG NAKARAANG December 16 hangang 31, nagpamigay ang pamunuan ng PPC Asia Corporation, ang exclusive distributor ng 3K battery sa Pilipinas, sa pamamagitan ng Wanted sa Radyo ng 3K battery, traveling bag at jacket. Bawat araw, tatlong mapapalad na listeners na nakasagot sa tanong na aming ibinigay ang nakatanggap ng papremyo.

Ang mga sumusunod na pangalan ay ang mga mapapalad nanalo: (1) Eddie Jamolin, (2) Armando Diola, (3) Monaliza Baltazar, (4) Roberto Pasia, (5) Ed Alamag, (6) Rolly Noguerras, (7) Melecia Baynosa, (8) Eduardo Lim, (9) Henry Ignacio, (10) Scott Lising, (11) Roberto Jose, (12) Romeo Nuarin, (13) Jesus Alvarez, (14) Reynaldo Lorenzana, (15) Arnold Prado, (16) Ruel Ravida, (17) Virgilio Oquendo, (18) Carl Franco Apeña, (19) Jobert Pingkian, (20) Franklyn Mendoza, (21) Chito Agpaoa, (22) Benjamin Soriano, (23) Cristel Mendoza, (24) Johnie Figueroa, (25) Clemen Mercado, (26) Jinly Chan, (27) Benjamin Gutierrez, (28) Criseldo Paciona, (29) Carlo Bestreza, (30) Edwin Sacsi, (31) Arnold Dela Cruz, (32) Ariel Facundo Bismonte, (33) Elmer Dollete, (34) Manna Olmedo, (35) Jess Espinosa at (36) Ronald Santos.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleBenepisyo sa GSIS
Next articleAnsabeee 02/05/14

No posts to display