“Nu’ng nagsabog ng kabibuhan ang Diyos, nagtakaw naman yata itong si Kongresman,” hirit ng asset ni Chikadorang Malupet tungkol sa bida ng latest tsismis nito.
Alam n’yo ba, mga kaparazzi of the Philippine Republic, pangunahing sangkap daw sa mga huntahan sa Batasan ang isang kongresista mula sa group of islands na unang sinakop ni Magellan. Ang chika, parang pinasok ng tiwa (isang uri ng maliit ng insekto) sa puwet si Kong dahil lagi na lang aligaga at hindi mapakali. Hirit ng isa, baka naman daw ipinaglihi siya sa kitikiti na wala ibang ginawa kundi ang i-wiggle (naks, English!) ang sarili.
Parang kindergarten na palaging atat sa klase, lahat na lang daw, eh, iniepalan ng solon. As in kung may kontrobersiyal na isyu sa Kamara, hindi na raw dapat magtaka kung bakit palaging nand’un ang naghuhumiyaw na presensiya niya.
Pero chikadoras of the Republic, mas madalas daw na nakakainis sa halip na
nakakatuwa ang kabibuhan ni Kong. Kasi ba naman, lakad dito, lakad doon; kuwento rito, kuwento roon; at kulit dito, kulit d’yan. Ang matindi, kapag oras na niyang magtanong at humingi ng paglilinaw tungkol sa isang isyung pinag-uusapan, malayung-malayo sa reyalidad ng usapan ang kanyang katanungan. In short, wala sa konteksto at kung mamalasin, wala ring sense ang inilalabas ng bibig niya.
Madalas daw na hindi na nakapagpipigil ang ilan kung kaya nababara si Kong. Ang hirit pa nga ng iba, hindi naman daw talaga isang kabibuhan ang kanyang asal kundi isang malaking kaepalan at kakulangan sa pansin lang. May ganu’n?
Tsk, tsk, tsk! Sali ka na lang kaya sa Iskul Bukol, Kong, baka du’n may magandang future ka pa.
Ang clue: Ritchie D’Horsie.