Ang Centurion

ISANG PABORITO kong parable sa Banal na Aklat ay tungkol sa isang Roman Centurion at ang kanyang may malubhang sakit na alipin.

Ang Centurion, ayon kay St. Luke, ay ‘di Kristiyano. Ngunit may mabait siyang puso sa kapwa. Matagal na niyang narinig ang ginagawang milagro ng Mahal na Hesus. Lalo na ang pagpapagaling sa mga maysakit. Kahit ‘di siya Kristiyano, may lihim siyang paghanga – kundi man pananampalataya – sa Panginoon.

Patuloy ni St. Luke: Sumapit isang araw na dinapuan ng malubhang sakit ang kanyang lalaking a-lipin. Lahat ng lunas ibinigay na ngunit lalong lumubha ang sakit. Naisip ng Centurion ang Panginoon. At bagama’t may misyon pa siya noon, nagmadali siyang humangos sa kinaroroonan ng Panginoon.

Nu’ng magkita ang Centurion at Panginoon, binigkas agad ng Panginoon: “Go now, your servant has been healed. Your faith has saved him.” Matapos lumuhod at magpasalamat, humayo na ang Centurion.

Bakit naantig ang puso ng Panginoon sa pakiusap ng Centurion? Unang-una, ‘di pangkaraniwan na ang isang Centurion, isa sa pinakamataas at makapangyarihang opisyal sa Roman Army, ay magpapakita ng kakaibang pagmamalasakit sa kanyang hamak na alipin. Pangalawa, pinagtibay ng Centurion, kahit ‘di Kristiyano, ang pananampalataya sa healing power ng Panginoon.

Sa aking isip, may ilan pang bagay ang sumaloob. Faith o pananampalataya. Ito lang ang susi sa kaha-rian ng walang hanggan. Pagmamalasakit sa kapwa. Kaakibat ito ng susi ng pananampalataya.

Madilim, masalimuot at mapanganib ang ating paglalakbay sa buhay. Para ‘di maligaw, dapat may tungkod, may mata ng pananampalataya na makakapitan. Ang halimbawa ng Centurion ay gawin nating liwanag at tungkod sa ating mahabang paglalakbay.

SAMUT-SAMOT

 

TILA NABIHAG na ni Cupido ang mailap na puso ni P-Noy. Isang maganda at matalinong Fil-Korean, Grace Lee, ang ngayon ay pumapana sa kanyang puso.

This time, a serious relationship is going on. Pinakilala na ng Pangulo si Grace sa kanyang mga kapatid at iba pang piling kamag-anak. ‘Di niya da-ting gawi ito. Kaya maybe this time, it is serious and real.

SINO BA ang tinagurian ng Malacañang Press Corps na Lady Gaga ng Palasyo? Mahilig daw pumapel ang spokesperson na ito. Subalit kalimita’y mababaw at walang substance ang pinapahayag. At napaka-self conscious sa TV cameras. Maganda na subalit lagi pang nagpapa-make-over ng mukha. ‘Di iilan ang nagsasabi na si Lady Gaga ay first class antipatika.

MARAMI RING nagtatanong kung saan na itinapon si Sec. Ricky Carandang. Matagal na siyang nananahimik.  Dati-rati’y papel dito, papel doon.  Balita very dissatisfied ang Pangulo sa kanyang performance.  Lumabas na over-rated ang dating radio-TV personality.  Minsan medyo nasabon siya ni Sen. Enrile dahil sa masyadong kadaldalan sa Spratley Islands issue.

ALL’S WELL that ends well. Ito ang masasabi natin sa naging controversy ni Political Affairs Secretary Ronald Llamas involving pirated DVDs. After apologizing, Llamas was given a slap on the wrist. Na sa tingin natin ay kaukulang parusa. ‘Di naman serious ang kanyang offense. Sabi nga ni Presidente Erap: Wala naman siyang ninakaw, bumili pa nga, eh.

SNAKEPIT ANG Malacañang? You can say it again. As Press Undersecretary nu’ng panahon ni Erap, I had personal knowledge and experience. Malupit ang kultura dito lalo na ang pakikisalamuha sa media. Sala sa lamig, sala sa init. Araw-gabi intriga. Batikos. I had my abundance share of these things. Malimit mapagbintangan ka ng kung anu-anong offenses. Kagaya nu’ng pinagbintangan ako ng isang kolumnista na nag-uuwi diumano ng raffle prizes nu’ng isang Christmas party. Kabulastugan ito. Subalit sinalsal ng mga naiinggit sa akin ang lasong balita. At naging front page item ito. Muntik na akong mag-resign. Mga ahas na dalawang paa gumagapang sa lahat ng sulok ng Malacañang. 24 oras.

MARAMING NAGTATANONG kung nasaan na si former Presidential Spokesman Jerry Barican. Halos isang taon kaming nagkasama sa Palasyo. Sa

aming parehong barber shop sa Makati, nabalitaan ko na may eye problem – glaucoma – si Jerry. Nu’ng height ng student activism laban sa martial law, si Gerry ang nanguna sa tinaguriang “First Quarter Storm Siege” against Malacañang. Isang batikang abogado, siya rin ay isang tanyag na manunulat. Full of wit and humor, he is a true friend in the strictest sense of the word.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleMadalas daw mag-away dahil kay Piolo Pascual Cristine Reyes, nakipag-break kay Rayver Cruz?!
Next articleSurvey

No posts to display