NAKAE-EXCITE ANG laban noong September 6 sa UAAP Season 78 Men’s basketball, kung saan ang final four noong 2014 UAAP Season 77 ay muling nagharap-harap. Kung ating matatandaan, ang Final 4 noong huling season ay ang Ateneo, FEU, DLSU, at NU, at ang nagharap-harap sa Semis ay ang NU vs Ateneo at DLSU vs FEU, kung saan ang pagkapanalo ng dalawang team na NU at FEU para sa knock out game nila sa Semis ay napakaganda tulad nang sa FEU vs DLSU na kung saan ay konting segundo na lamang ang natitira at ang score ay all 64, FEU for the last shot ay ipinasa kay Bello and Bello for three na talagang napatayo lahat sa tuwa ang FEU crowd dahil sa last shot na ‘yun; at sa NU vs ADMU naman ay na-block ng NU ang ADMU. Ang nagharap naman sa Finals ay ang NU vs FEU na kung saan ang nagwagi bilang Champion ay ang NU Bulldogs sa final game series na 2-1.
Nitong September 6 sa MOA Arena, tila game ng mga Final four dati, pero ang nakaharap ng NU ay ang DLSU for first game at ang FEU naman ay ang ADMU ang sumunod. Sa game ng DLSU versus the defending champion na NU, noong 1st quarter ay nanguna ang ang DLSU sa score na 16-6 at sa 2nd quarter naman ay nanatiling lamang ng 10 points ang La Salle Green Archers kontra NU Bulldogs sa score na 33-23. Sa 3rd quarter naman ay tuloy pa rin ang lakas ng depensa ng La Salle Green Archers para manatiling lamang sa NU Bulldogs sa score na 51-40 at sa 4th quarter naman ay sinubukang habulin at bumawi ng NU Bulldogs ngunit sila ay nabigo at nanalo ang La Salle Green Archers na may final score na 67-63. Kahit natalo sa 1st game ay babawi ang defending champion, NU Bulldogs, sa kanilang mga susunod na game.
Sumunod na game naman ay ang FEU vs ADMU. 1st quarter pa lamang ay lumamang na ang FEU Tamaraws kontra Ateneo Blue Eagles sa score na 23-11. Sa 2nd quarter naman ay tumaas ang lamang ng FEU Tamaraws mula 12 noong first quarter to 18 sa score na 44-26. Pumasok ang third quarter at nanatili pa rin na lamang ang FEU Tamaraws kontra Ateneo Blue Eagles sa score na 64-49. Sa 4th quarter ay hindi na napigilan ng Ateneo Blue Eagles ang FEU Tamaraws at nagwagi ang FEU sa 1st game nila with a final score na 88-64, na may kalamangan na 24 kontra sa Ateneo Blue Eagles.
Namangha at natuwa ang FEU dahil sa ipinakitang galing ng mga players ng FEU, kung saan bago pa magsimula ang UAAP Season 78 ay sabi nga nila they will improve more on their games para makapasok muli sa Final 4 at maging champion. Bigo man ang Ateneo Blue Eagles sa kanilang 1st game, pero kaya pa namang bumawi sa mga susunod na game.
Sa pagkapanalo ng DLSU at FEU ay sinamahan nila ang UP at UST na may 1-0 standing. Ang UE, ADMU, AdU, at NU naman ay 0-1 sa ngayon. Pero simula pa lamang at marami pa tayong aabangan para sa mga susunod na games, kaya ating panoorin at subaybayan ang UAAP Season 78 Men’s Basketball.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo