SA MALA-SAYANTIPIKONG pagkalikha ng daigdig ay isang napakagandang masterpiece ito. Nakamamangha ang kalagayan at isang buhay na halimbawa sa lahat ng mga planeta na nakalutang sa heavenly bodies.
Maituturing natin isang kagila-gilalas ang pagkalikha nito at hindi basta-bastang mga piyesa ang pagkagawa. Marahil kung may mga ele-mentong nabubuhay na hindi man kauri natin sa kalawakan, at nakamasid ito sa atin ay sasabihing mapalad tayo dahil ang ating planeta ay pinagpala, dahil ito ay puno ng mga buhay.
Bagay na hanggang sa ngayon tila nanatiling hindi pa ganoon kabisado ng tao ang tunay na anyo at kalikasan ng ating daigdig.
Kaya marahil tila ang kalikasan ay nag-aalburoto sa kanyang mga napinsalang kalagayan.
Sa bilyun-bilyong taong pagkakadisenyo nito ng kalikasan sa sarili nitong kalagayan, tila wala pa sa hinuha ng tao na ganoon lamang ito kadaling sinisira. Bagay na hindi ito kayang kumpunihin ng sinumang mga dalubhasang tao na nabubuhay sa daigdig na ito dahil ang daigdig mismo ng kalikasan nito ang siyang magkukumpuni sa sarili nito.
Sa katotohanang wala tayong kakayahan kundi ang pangalagaan at pag-aralan na lamang nang may pagpapahalaga. Sana tulungan tayo ng Creator nito na ipagkatiwala pa at pakinggan sa ano pa mang mga plano muli natin para sa mga darating pang kinabukasan ng mga bagong isisilang pang mga tao sa daigdig.
MGA PINSALA NA DULOT NG PAGKASIRA NG KAGUBATAN AT KABUNDUKAN
SA PAGLIPAS ng panahon unti-unti at patuloy na nakakalbo ang mga kagubatan. Dahilan sa kagustuhan ng ilan na kumita nang malaki, ang kapatagan ang sumasalo ng mga pasakit na kaakibat ng pagkakalbo ng mga kagubatan at kabundukan. Isa sa mga panguna-
hing dahilan ng mga sakunang tumatama sa bansa ang ilegal na pagtotroso at pagmimina na nagsasanhi ng mga pagguho at pagbabaha. Sa pagkawala ng mga puno sa mga kagubatan at kabundukan, nawawala na rin ang mga sumisipsip sa mga tubig-ulan. Dahil dito,maraming buhay ang nawawala. Sagrado ang kabundukan. Sagrado ito dahil ito ay nagsisilbing pananggalang ng mga bansang napali-libutan ng malalaking anyong tubig sa hagupit ng mga bagyo. Ang kalikasan mismo ang humulma ng mga kabundukan upang protektahan ang mga tao sa kapatagan. Pinahihina ng mga kabundukan ang bagsik at hagupit ng isang bagyo bago pa man ito makarating sa kapatagan. Malaki rin naman ang ginagampanan ng mga puno sa pagpigil sa pag-init ng mundo. Sa proseso ng photosynthesis, sinisipsip at binabawasan ng mga puno at halaman ang mga carbon dioxide sa atmospera na nagdadala ng sobrang init sa mundo. Naiipon ang ilang mga carbon dioxide sa katawan ng puno at kapag ang mga ito ay pinutol lalung-lalo na kapag sinunog, mahahalo ito muli ito sa hangin at magiging carbon dioxide muli. Ang sobrang pag-init ng mundo ay nagdudulot ng unbalance sa kalikasan na nagsasanhi ng malalakas na pag-ulan or vice versa. Dagdag pa ang pagkawala ng puno ang pagkaubos ng imbak tubig sa ilalim ng lupa na nagsisilbing tubig din naman sa irigasyon na ginagamit ng mga magsasaka.
ANG WALANG HABAS NA PAGMIMINA
BUKOD SA pagtrotroso, mas malaki naman ang kinalaman ng mga large scale at small mining na nagdudulot ng mga landslide at flashflood na sumisira ng mga ari-arian at kumukitil ng buhay. Ang mga pinsalang dinudulot ng mga kalbong kabundukan sa kapatagan ay isang bangungot para mga inosenteng mamamayan.
Subalit limitado lamang ang pagtingin natin dito at hindi natin lubos na nauunawan na ang buhay ay hindi lamang sa ngayon para sa atin kundi rin para sa mga susunod pang henerasyon.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions: email. [email protected]; cp#.09301457621
Larawan Sa Canvas
By Maestro Orobia