Ang “Golden Rule” Sa Pagyaman

Joel-Serate-Ferrer“At kung ano ang ibig ninyong sa inyo’y gawin ng mga tao, gayon din ang gawin ninyo sa kanila.” – Lucas 6:31

GUSTO MO bang magkaroon ng isang matagumpay na negosyo? Puwes, tumulong ka na maging matagumpay ang negosyo ng iba! Gusto mo bang maging matagumay na empleyado? Kung gayon, tulungan mong maging matagumpay ang boss mo!

Ang kautusan ni Cristo na tinaguriang “Golden Rule” ay makikita sa isang magandang kuwento na nagpapakita ng diperensiya ng langit at impiyerno.

Ayon sa kuwento na ito, ang langit at impiyerno ay mayroong mga mahahabang lamesa na may mga masasarap na pagkain. Ngayon, ang mga tao na nakaupo sa mga lamesa ay may mga mahahbang kutsara at tinidor na nakatali sa kanilang mga kamay. Kaso ang mga tao sa langit ay masaya at ang mga tao sa impiyerno ay malungkot. Bakit nagkaganoon? Dahil ang mga tao sa impiyerno ay ginagamit ang mga mahahabang tinidor at kutsara para subuan ang sarili nila kaya hindi talaga aabot sa bunganga nila ang pagkain. Ang mga nasa langit naman, ginagamit nang tama ang mga mahahabang kubiyertos dahil sinusubuan nila ang mga tao sa kabilang sulok ng lamesa nila.

Noong dekada `90, nagsimula ang aking pagbo-volunteer na tumulong sa alumni ng aking high school, Trinity University of Asia. Lumikha ako ng isang e-group kung saan maraming alumni ang sumama at nakipagtulungan kami sa sari-sari naming mga alumni concerns. Dumating ang pagkakataon na ako ay nagpasimuno ng isang Halloween party, at dahil humihingi na ng downpayment ang venue, ginamit ko ang sarili kong pera para ma-reserve ang venue at ma-prepare ang pagkain. Kamalas-malasan, nagkaroon ng bagyo ng araw ng Halloween party at iilang alumni lang ang nakadalo. Dahil dito ay napilitan uli akong mag-abono.

Dahil sa suliranin na ito, linapitan ko ang mga kaibigan kong alumni na napaglingkuran ko na nang ilang taong para sa tulong pinansyal at hindi ako nabigo sa kanilang pagtugon.

Sa larangan ng negosyo, ang “golden rule” na pakikipagtulungan na ito ay mapapansin din natin sa San Miguel Corporation (SMC), at ang mga poultry na tinutulungan nila. Ang SMC ay magbibigay ng sari-saring mga feeds, vitamins, at iba pang materyales ng mga chicken breeders at kapag lumaki na ang kanilang mga manok ay binibili ito sa kanila ng SMC. Ang pinakakontribusyon ng mga poultry breeders sa partnership na ito ay ang kanilang lupa/ facility, kung saan sila magpapalaki ng manok at ang sweat equity na pagpapalaki ng manok.

Sa ating negosyo, trabaho, at sa araw-araw na pamumuhay, lagi nating tatandaan at ia-apply ang “golden rule” ni Hesukristo. Gawin natin sa ibang tao ang gusto natin na gawin nila para sa atin.

—————————————-

Si Joel Serate Ferrer ay co-author ng bestselling book na PAANO YUMAMAN: 50 PERA TIPS TO MAKING AND SAVING MONEY. Ang libro na ito ay currently available sa National Bookstore, Pandayan Bookshop, at iba pang mga tindahan.

Pera Tips
by Joel Serate Ferrer

Previous articleNU Winless No More
Next articleMartial Law Babies

No posts to display