USAP-USAPAN NGAYON sa mga pulitiko ang tungkol sa isa nilang sikat na kabaro na sobrang bigo sa pag-ibig. Halos sakluban siya ng langit at lupa sa tindi ng kanyang kabiguan. Marami ang mga nagsabi na tila pinaglaruan ng tadhana si Sir, dahil matapos niyang makamit ang korona ng tagumpay sa kanyang career bilang isang pulitiko kamakailan lang, ito naman ang ipinatikim sa kanya bilang kapalit.
Iniwan si Sir ni Misis at sumama sa kanilang matalik pa man ding kaibigan na isa ring pulitiko. Ang ipinagpalit ni Mam kay Sir ay isa ring pamilyadong tao. Ang kumakalat na kuwento tungkol sa naging daan sa pag-iwan daw ni Mam kay Sir ay nang mailuklok sa puwesto si Sir, lumapit daw itong matalik nilang kaibigan para magpatulong tungkol sa mga proyekto sa probinsiya.
Sa sobrang tiwala ni Sir kay Mam, ito raw ang inatasan niyang umasikaso sa inilalapit na tulong ng kanilang matalik na kaibigan. Dahil dito, naging madalas ang pagkikita ni Mam at ng matalik nilang kaibigan para pag-usapan ang tungkol sa mga nasabing proyekto. ‘Di naglaon na-develop si Mam sa matalik na kaibigan.
Si matalik na kaibigan ay dating sikat na miyembro ng gabinete ng nakaraang administrasyon at ngayon ay isa nang local official sa isang probinsiya. Magkaparehong probinsiya si Sir at si matalik na kaibigan.
Sino ang kaawa-awang Sir? Siya ay si PIMENTO, isang spicy ingredient sa wikang Español. Spicy talaga ang dating ni Sir dahil bukod sa bata pa at matikas, punung-puno ng utak ang kanyang coconut.
Sino naman ang matalik na kaibigan ni Sir na nagtraydor sa kanya? Siya ay si GOLEM na ang definition sa Webster dictionary ay isang nilalang na nilikha para magsilbi na animo’y robot sa kanyang taga-paglikha. Oo nga naman, itong si GOLEM kasi ay likha ng dating
administrasyon. Dati siyang opisyal ng Malacañang. Lahat ng batikos sa kanyang mga dating amo ay sinasalag niya. Animo’y robot siya noon na ang mga salitang lumalabas sa kanyang bibig ay likha ng kanyang mga amo sa Palasyo.
Ang hugis ng isang GOLEM sa Jewish legend ay hugis ng isang halimaw na labis na katatakutan ng mga paslit.
ISA PA ring sikat na pulitiko ang iniwan din ng kanyang Misis bago-bago lang at sumama sa ibang lalaki. Kasamahan ni Mam sa trabaho ang kanyang ipinagpalit kay Sir. Si Mam kasi ay isang liberated working wife. May angking talento si Mam at nagagamit niya ang talentong ito sa kanyang trabaho.
May mga anak na sina Sir at Mam bagama’t bata pa silang pareho. Si Sir ay isang matikas at matalino ring pulitiko na kinagigiliwan ng mga kolehiyala. Sumikat si Sir noong nakaraang administrasyon dahil sa kanyang paninindigan at angking galing pagdating sa public speaking.
Labis na sineseryoso ni Sir ang kanyang trabaho at nakita naman ito ng kanyang mga kasamahan dahilan para udyukin siya noon na subukang tahakin ang mas mataas pang posisyon. Pero nang makapag-isip, hindi pinatulan ni Sir ang pag-uudyok sa kanya.
Mapagmahal si Sir sa kanyang dalawang anak. Si Mam ang may problema at hindi si Sir.
Sino si Sir? Siya ay si ESCUDO. Ang Escudo ay itinuturing na isang hepe sa bansang Spain at Portugal. Si Sir ay isa sa mga hepe din ng kanyang dating kinabibi-langang political group.
Shooting Range
Raffy Tulfo