Ang Kalbaryo ng mga Taga-Al Swayeh

ISA PO ako sa maraming naipit sa pro-blema sa Al Swayeh, ang laging napapabalitang problemadong kumpanya sa Saudi. Kadarating ko lang po nitong October 13, 2012 at may sakit pagdating, halos 3 days po ako sa ospital. Nag-report po ako sa Nawras Agency kahapon at sinabi ko ‘yung nangyari sakin na nagpaalis sa akin nu’ng August 14, 2010. Hindi po natapos ang contract ko dahil pagdating pa lang du’n ay may problema na. Hindi nagpapasahod at hindi kami naisyuhan ng Iqama. Ano po ba ang p’wede kong ihabol sa agency? Dahil sa isang taon po akong naipit doon na hindi makauwi. Inaalok po ako ng agency ng P15,000.00 para lang sa areglo. Halos kulang pa nga po iyon sa hospital bill ko. Hindi po ako pumayag. Ano po ba ang p’wede kong gawin? Sir, humihingi po sana ako sa inyo ng tulong kung ano po ang dapat kong gawin.  –  Angelito ng Laguna

 

MAGSAMPA KA na ng kaso sa NLRC para sa iyong mga monetary claim. Agahan mo na ito dahil medyo tumatagal ang kaso roon. Sabayan mo ito ng pagsasampa ng administrative case laban sa ahensiya. Isampa mo ito sa POEA. Doo’y malalaman mo tuloy kung “good standing” pa ang ahensiya o hindi.

LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]

Ayuda sa OFW
By Ome Candazo

Previous article24/7 In Love: Pitong Kwento ng Pag-Ibig Handog ng Star Cinema
Next articleUlo sa Plato

No posts to display