ANG KATWIRAN NI TERRENCE ROMEO SA BANGAYAN SA HARDCOURT

Terrence Romeo

KALOKA ang bangayan ng Gilas Pilipinas at ang koponan ng Boomers-Australia last Monday night sa Philippine Sports Arena sa Bocaue, Bulacan.

Iba’t iba ang reaksyon ng publiko na sa ganang akin, imbis na sumama sa ramble sa hardcourt at makipag-suntukan ang ibang mga members ng Gilas ay sana umawat sila.

Isa sa hindi ko sang-ayon sa kanyang dipensa ay ang katwiran ng player na dating natsismis kay Vice Ganda noon na si Terrence Romeo na isa sa mga sumali sa pisikalan.

Sa kanyang Twitter account na @tbvromeo , sinulat niya na: “Wala kaming paki alam sa inyo. Kami magkaka-teammate sa loob, kailangan namin magtulungan.

“Hindi namin puwede pabayaan yung isa’t isa. Kung embarrassing kami sa mata niyo, ba’t di kayo mag-convert ng Australian?” (hello ang babaw mo!)

Dagdag niya sa kanyang pagangatuwiran sa Twitter: “Kahit anong sabihin niyo, naglalaro kami para sa isa’t isa, para sa kapwa natin Pilipino, higit sa lahat para sa bayan. Hindi niyo alam ang sacrifice naming (I disagree na naglalaro ka para sa bayan. Naglalaro ka dahil binabayaran ka!)

Terrence Romeo and Vice Ganda

“Kung para sa inyo mali tulungan namin yung kakampi namin sinasaktan, problema niyo na yun basta kami walang iwanan tapos!!!”

Sa social media, isang short at makabulahang tweet message lang ang tinuran ng box-office comedy superstar na si Vice ay: “# Kapayapaan.”

Hindi na nag-comment si Vice tungkol sa isyu.

Natawa ako sa katwiran ni Romeo. Feeling makabayan. You play because you need to and you are paid to do that. Patriotism ba ang tawag sa ganun? Mas saludo ako sa mga sundalo na nakikipagratratan sa kabundukan sa kapirangot na sahod na barya-barya. Yan ang tunay na makabayan at hindi ang saliwang opinion nitong si Romeo.

Bopis kayo riyan? Bopis…

 

Reyted K
By RK Villacorta

Previous articleRevival King Jojo Mendrez, aminadong naging stalker ni Sharon Cuneta
Next articleSPEEDS’ EDDYS AWARD, kakabugin ang ibang award-giving bodies!

No posts to display