Ang Laban at Tapang ng isang Angel Locsin

Photo credits from: Tudla/Kadao

BILIB TALAGA AKO sa aktres na si Angel Locsin. Iba ka talaga! Hindi na ako nabibigla sa mga gawain mo na tahimik lang pero kumikilos.

Sa presscon ng bagong serye na La Luna Sangre last Monday sa Dolphy Theater sa ABS-CBN ay itong isyu ng tunggalian sa Marawi City ng mga Maute Group at ng mga militar sana ang itatanong ko sa ‘yo backstage dahil alam ko na tahimik ka lang, pero may sasabihin ka.
 

Kaso pagkatapos ng open forum at pikturan onstage with the entertainment media ay bigla kayong hinatak ng mga handlers ninyo.
Pero hindi ko alam na may agenda ka na bago ka pa magtungo sa Mindanao. Tinapos mo muna ang trabahong showbiz bago mo hinarap ang mga isyus ng mga Maranao na “bakwet: na nagsipag-alisan ng Marawi para makaiwas sa kaguluhan.
Nagulat ako na bumulaga sa social media tulad ng Facebook na ang “No Media Coverage or No Photo-Op” na pagkilos mo nang nagtungo ka sa evacuation centers kung saan kita ang tapang at lakas ng loob mo nang sumugod ka last Thursday (June 8) sa Mindanao para in your own little ways ay makatulong ka. The day before umalis ka para umayuda sa mga Maranao ay wala kang nababangit.
 
Photo credits from: Tudla/Kadao

Mula sa Facebook account ng RMP-NMR ay narito ang nabasa ko para sa kaalaman ng nakararami na gusto ko i-share sa mga supporters, fans at bashers mo na rin na kinukuwestyun ang pagkilos mo at hindi naniniwala sa pure intentions ng ginagawa mo:

 
The Rural Missionaries of the Philippines – Northern Mindanao Region (RMP-NMR), Inc., together with partner organizations under Kalinaw Mindanao, today facilitaed a relief intervention of actress Angel Locsin in Baloi, Lanao del Norte.
 
The actress went to Maahad Abdul Hamid, the temporary refuge for 283 individuals to distribute food packs and school supplies.
 

She then went around other nearby evacuation centers to check on their situation as well. She will later on be visiting another evacuation center to join the evacuees for “iftar” (breaking of fast).

This is the second time that Ms. Locsin, whose Maranao lineage through a local family has brought her to the concerns of the Moro people, has come to provide relief in the wake of armed conflict. Ms. Locsin also went around the Moro communities in Lanao del Norte after the breakdown of the MOA-BJE resulted to violence in 2008.

Another batch of 300 relief packs donated by Locsin will be distributed by the RMP-NMR tomorrow to the beneficiaries of a least- served evacuation center.

“This relief action is among several others that RMP-NMR is pursuing with other partners,” said April Thessa Diaz, services coordinator of RMP-NMR. “We are also starting Community Kitchens in least-served evacuation centers other than simply giving out food packs.”

A major humanitarian mission being prepared for next week under the Kalinaw Mindanao formation. Relief distribution, psycho-social services, and first responder medical services are among the activities the group aims at conducting.
 

Naalala ko na hind ito ang unang pagkilos ng aktres sa isyu ng armed conflict sa Mindanao.

Photo credits from: Tudla/Kadao

Prior to this Marawi “war” ay naalala ko na dati na rin napadpad ang aktres sa Muslim Mindanao noon. Puno ng tensyon ang unang exposure niya. Ayon sa pagkakasulat ng aktres noon ay madaming check points ang kanilang dinaanan on their way to the barangay na gusto nilang tulungan. Off limits kasi para sa mga sibilyan ang lugar during that time, pero hindi umatras at sumugod pa rin si Angel. 

 
I also remember noong nagkaroon ng kaguluhan sa mga ancestral domain ng mga lumads na ang ilan ay pinagpapatay at sinunog ang mga kabahayan ay sumuporta ka na hindi alam ng nakararami.
 
At ‘yung martsa ng mga magsasaka sa Kidapawan sa Mindanao na may ilan na namatay at nakulong sa ginawang dispersal sa rally nila sa isyung ng “Bigas Hindi Bala” (at marami pang iba na mga laban). Nasundan ko ‘yun at ayon na rin sa mga kuwento ng ilang mga saksi na si Angel Locsin na isang artista ay kusang kumilos at nanguna para mangalap ng suporta at donasyon mula sa kanyang mga kaibigan sa showbiz.
 
Nang manawagan si Angel ng tulong sa mga taga-showbiz, madami ang tumugon. Madami ang tumulong.
 
Kung kailan matatapos ang kaguluhan sa Marawi (na ang sabi sa radyo sa report ng military ay ngayong Araw ng Kalayaan (June 12) ay babawiin nila ang Marawi mula sa mga teroristana at itataas nila ang Philippine flag (na nagawa rin naman habang ntuloy ang putukan) sa lugar kung saan malakas ang presence ng mga Maute Group.
 
Pero habang patuloy ang kaguluhan, gutom at madaming mga biktima ng mga karahasan sa bansa sa Mindanao man ito o’ sa Visayas at Luzon,  alam ko na may isang Angel Loscin na tutugon sa mga panawagan. May isang Angel Locsin na sasaklolo at aayuda kahit wala ang media coverage at photo-op.
 
 

Dahil sa naglabasan na mga photo-op at istorya tungkol sa ginawa ni Angel ay madaming nagsilabasan na bashers.

Isang paglilinaw lang at para sa kaalaman ng nakararami:  Si Angel ay isang Maranao Princess at naglilingkod at tumutulong lang siya sa kanyang lipi at mga kamag-anak na nakapagitna sa giyera at hindi ito promo ng teleserye niyang La Luna Sangre na kasama sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo at John Lloyd Cruz.
 

Tutong tunggalian ito. Tutoong giyera. Ang bida natin sa teleserye ay nasa tutuong tunggalian .

Mabuhay ka! Saludo ako sa iyo, Angel.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleNADINE LUSTRE VS. MAINE MENDOZA: Sino ang HOTTEST STAR ngayon?
Next articleMichael Pangilinan, bibida sa ‘Maynila sa Kuko ng Liwanag: The Musicale’!

No posts to display