NAGTATAKA LANG ako sa mga fans nina McCoy de Leon at Elisse Joson na kilala sa tawag ng kanilang love team na “McLisse” kung ano ang ibig sabihin ng salitang “lablab”ni Mccoy sa dalaga.
Nagtanong ako sa socmed account (@rkvillacorta) kung ano ang ibig sabihin ng “lablab”. May isang fan ng McLisse with handle name na “mclissesg” ang nagreply na ito daw ang gustong itawag ni McCoy kay Elisse kung sila na ng dalaga.
Kumbaga, term of endearment nila if ever.
Sa red carpet premiere ng pelikulang “The Debutantes” , present sina McCoy at Elisse to give support sa mga friends nila na sina Sue Ramirez at Michelle Vito na dalawa sa mga bida sa pelikulang suspense-horror ni Direk Prime Cruz na produced ng Regal Films.
On their way sa kanilang upuan, na-intercept namin ang dalawa for a short chat.
McCoy told me na happy siya at malapit na matapos ang movie nila ni Elisse with Coco Martin na Ang Panday.
Naibalita ng binata na almost 60% na ang nai-shoot sa kabuunan ng pelikula na first directorial job ni Coco at kabilang sa darating na MMFF 2017 sa December.
“Hindi pa po kami tapos mag-shooting ni Elisse. May mga scenes pa kami with Kuya Coco na kukunan,” sabi ng binata na sa ingay sa loob ng theater bago magsimula ang preem ay halos hindi na kami magkarinigan.
Happy si McCoy dahil maganda ang response ng publiko sa bago nilang teleseryeng “The Good Son”. Kuwento ng binata: “Iba po ang response ng tao. Gusto nila yong show namin.”
Sa ganung tsika lang ang update ni McCoy sa amin dahil hindi kami magkaintindihan dahil sa ingay sa paligid na after ay inaya na ng binata ang dalaga na inalalayan niya ito paakyat papunta sa kanilang assigned seats and heard McCoy said ”Lab, tayo na” or ewan ko kung tama ang dinig ko. Ang ingay kasi.
Reyted K
By RK Villacorta