TODO BIGAY ang performance ni Kris Bernal sa kanyang dual role as Nimfa and Rosette sa afternoon series na “Impostora”. In fairness, kitang-kita naman talaga ang distinction ng dalawang characters na ginagampanan niya. Meron itong magkaibang distinction ng mannerisms and nuances kaya nakakaaliw panoorin.
Dahil ibinibigay na nga ng dalaga ang lahat, hindi rin namin siya masisi kung bakit nafufrustrate siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa siya nananalo ng acting award.
Some years ago ay napaka-challenging din ng role niya as a young mom with special needs sa Little Nanay. Kaso, dineadma pa rin siya ng mga award-giving bodies. Kahit nomination nga ‘yata ay waley.
Ngayon, wala pa rin balita si Kris kung nominated ba siya o ano.
Sa totoo lang, meron pa bang naniniwala sa mga award-giving bodies for TV? Ang ilan nga sa mga nananalo o nanonominate ay puro mga artistang either endorser ng sponsors o super aggressive ng fandoms.
Ano nga ba ang sukatan para manalo ng award?
Dapat siguro ay tanggapin na lang ni Kris na unless siguro ay magkaroon siya ng breakthrough role sa pelikula at mapansin siya ng mainstream world, kahit na bongga pa ang performance niya sa kanyang show ay hindi siya gagawing priority.
No doubt na magaling na aktres si Kris. Napakaganda at napakasexy pa. Mas maganda siguro kung after Impostora ay gawan niya ng paraan kung paano siya magkakaroon ng magandang movie career katulad na lang ng nangyari sa Starstruck graduates na sina Jennylyn Mercado, LJ Reyes at latest ay si Ryza Cenon na after so many years ay nabigyan na rin sa wakas ng pagkilala.
Take note mo ‘yan, Kris!