GALING AKO SA studio ng GMA-7 at ano kamo ang ginawa ko? Nag-audition ako sa bago raw na programa na ayon sa kanila ay pang-komedya. Hindi nga lamang ako handa pero sinadya ko talaga ‘yun at kinontak ko ang manedyer ni Eugene “Uge” Domingo na si GG Lualhati. Nagulat ito nang dinatnan niya ako at nakatapos na sa audition. Hahaha!
At sabay na kaming lumabas ni GGL. “Maestro talaga, akala ko nagbibiro ka!” Ah, nagkataon may iskedyul pa akong iinterbyuhin nang araw na, ‘yun. Haha!
SI KULIGLIG ANG NAKAKILALA KAY VICTOR
Lumabas na ako’t nakiupo sa loob ng compound ng GMA-7 at nakitabi sa isang may hitsurang lalaki. Isang maaliwalas na panahon nang makausap ko itong si Victor Aliwalas. Nakita ko rin ang isang maaliwalas na mukha. Inakala ko, baka artista ito.
Ang sabi naman nitong parazzi na si Kuliglig, ang assistant ko, “Ano ba kayo? Artista nga ‘yan, Maestro!”
Hehehe, mahilig ‘din itong assistant kong si Kuliglig sa may hitsurang lalaki, ah. Haha!
Parang naalala ko noong minsang may iniinterbyu ako, lilinga-linga ako… ‘asa’n na ang alalay kong si Kuliglig? Aba naman, ayun at nakahilig na kay Sam Milby. Hehehe!
Anyways, ‘yun lang naman ang kasiyahan niya, ang makita ang mga crush niya. Kaya nga kahit may utang ako sa sahod, ok lang. Haha! Basta ‘yung mga crush niyang mga stars eh, papa- picture siya.
ANG CHITCHAT NAMIN NI VICTOR
‘Eto at pasadahan na natin ang ating bidang si Victor.
“I never expected any of these. Biglaan lang lahat.” Ah, parang aksidente? “Ganu’n talaga!”
Pero iba na rin ‘yung may hitsura. Ganu’n naman, eh. Pero financially rewarding ba? “Oo, pero mas malaki ang suweldo ko doon (sa US). Siyempre, this is only temporary for me. I plan maybe one year pa tapos na ako.”
You’re pursuing college now or you’re already a professional? “Tapos na. I used to be in the financial field before.”
Are you a financial advisor? “Yes. I used to do financial advi-sing in the US.”
So you make big money in the US? “My major in college is Business Administration, my minor is Information System and then I concentrate on financial market.”
Pero Pinoy na Pinoy ka. Minsan you have to go to showbiz for you to be familiar sa mga tao, makakatulong ba ito kung gusto mong mag-business, totoo ba ‘yun? “Oo naman! Kasi it’s because of the people you meet, the advertisers, so lahat .”
Galing ka sa medyo may kayang pamilya, paano ka na-training at nahasa ang acting mo sa drama for example? “Ah, ‘yung mga workshops ng GMA, ‘di ba? They tried to have intensive workshops kasama ‘yung mga directors katulad nina Joel Lamangan, ganu’n.”
Kulitin kaya natin muli. Ang pagiging Islangero ba eh, disadvantage or advantage? ‘Yung ‘di ka marunong mag-Tagalog masyado? “Siyempre! Siyempre, mahirap eh. Wala akong magagawa eh, ganu’n talaga ako, eh.”
Paano mo gustong maalala as Victor Aliwalas? Ano ‘yung sa tingin mo eh, distinct character mo? ‘Yung ibang soap, ikaw ‘yung other man? “Hindi! Puro mabait ang roles ko… doctor, architect, attorney, business owner. Siyempre very limited what I can do, kasi ‘yung accent ko. Hindi naman puwede galing sa province kasi, dapat ‘yung dapat lagi, balikbayan… ganu’n.”
Para sa ‘kin ‘pag pinasok mo ang isang propesyon, inaakala mo man itong pansamantala o tila permanente at pangmatagalan, dapat ang tiyaga at diskarte. Sa pagiging artista, sa lara-ngang visual o sa telebisyon. Kaila-ngang handa ka sa anghang, asim, alat at dulot nitong tamis ng tagumpay.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia