Ang Mga Negosyo Ni Felix Manalo At Ni Bo Sanchez

Joel-Serate-FerrerISA SA mga top-grossing films ngayon taon ay ang “Felix Manalo” – isang biopic base sa buhay ng founder ng Iglesia ni Cristo. Marami tayong matututunan sa pelikula na ito hindi lang sa larangan ng relihiyon, pilosopiya, at community organizing, kundi pati na rin sa kaperahan.

Sa pelikulang ito, bagama’t ang pangunahing adhikain ni Felix Manalo ay ilathala ang salita ng Diyos, makikita natin na meron din siyang isang sideline na pagawaan ng sombrero. Ang pagnenegosyo ni Felix Manalo ay bunga na rin ng realidad na tayong lahat ay may mga gastusin sa regular nating pamumuhay katulad ng pagkain, damit, tubig, ilaw, atpb. Madalas kasi sa mga unang taon ng pagmi-ministro ni Felix Manalo ay hindi sapat ang kanyang kita bilang isang mangangaral kaya kinailangan niyang mag-sideline.

Sa September 16-17, 2015 column ng PERA TIPS, isa sa mga paksa na tinalakay natin ay ang paggamit ng ating mga hiyang na talento o skill para kumita. Maaring hindi tayo masyadong interesado sa mga money making skills na ito, kumpara sa ating mga hilig, hobbies o passion, pero kung nand’yan na ang ating mga gastusin, malamang e, gagamitin natin ang mga ito para mabuhay.

Katulad ni Felix Manalo, si Bo Sanchez ay isa ring tao na may adhikain na ilathala ang salita ng Diyos. Mga 13 years old pa lang ‘ata siya e, natuklasan niya na may talento pala siya bilang isang lay Catholic preacher.

Kaso magmula nang mag-asawa si Bo Sanchez, katulad ni Felix Manalo, nakita niya na ang kanyang kita bilang isang lay preacher ay hindi sapat para suportahan ang kanyang pamilya. Dahil dito, nagpursigi si Bo na mag-aral tungkol sa business at investing at sa loob ng ilang taon ay nakalikha ng 12 negosyo, kung saan karamihan ng kanyang kinikita ay nanggagaling.

Sa back leaf ng kanyang librong MY MAID INVESTS IN THE STOCK MARKET na available sa National Bookstore, sinabi ni Bo na dahil sa mga negosyo niyang ito, mas napag-igi niya ang kanyang missionary work. Bakit kamo? Dahil maganda ang business systems ng mga negosyo ni Bo, 10% lang ng kanyang time ang inilalaan niya rito. At dahil natutustusan ng kanyang mga negosoyo ang kanyang pang-araw-araw na pangangailangan, naiaalay niya ang 90% ng kanyang panahon sa kanyang adhikain na pagiging Catholic lay preacher.

Although marami sa atin ay walang passion sa religious ministry katulad nina Felix Manalo at Bo Sanchez, meron tayong mga hilig o hobbies na nagbibigay-kahulugan at sigla sa ating buhay katulad ng musika, visual arts, volunteer work, pagsusulat, paglalaro, atbp.

Marahil maraming mga Pilipino ang nagtatanong, kung mahilig akong kumanta, puwede ba akong kumita bilang isang singer katulad ni Charice Pempengco? Kung mahilig ako sa basketball, puwede ba akong kumita bilang isang basketball player katulad ni James Yap? Kung mahilig akong umarte, puwede ba akong kumita bilang isang artista katulad ni Lovi Poe?

Maaari niyong subukan, at kung kayo ay magtagumpay, well and good. Pero just in case, hindi kayo magtagumpay o kung ang tagumpay sa inyong hilig ay dahan-dahang darating, e maganda rin na pamarisan sina Felix Manalo at Bo Sanchez, kung saan gagamitin n’yo ang mas simpleng mga money-making skills para kumita. Marami sa mga skills na ito ay natututunan natin sa mga paaralan at kadalasan kung ano ang napag-aralan natin sa kolehiyo ay ito ang ginagamit natin sa ating propesyon.

Dahil sa importansya ng pag-aaral ng mga simpleng money making skills, kaugalian na ng mga talent management centers ng GMA 7, ABS-CBN, etc., na himukin ang kanilang mga child stars na magtapos ng kolehiyo, dahil oras na sila ay malaos sa showbiz, meron pa rin silang puwedeng skills na puwede nilang gamitin sa trabaho o negosyo.

_____________­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­­______________________________

Si Joel Serate Ferrer ay co-author ng bestselling book na PAANO YUMAMAN: 50 PERA TIPS TO MAKING AND SAVING MONEY. Ang libro na ito ay currently available sa National Bookstore, Pandayan Bookshop, at iba pang mga tindahan.

Pera Tips
by Joel Serate Ferrer

Previous articleHindi Sila Masamang Tao
Next articleFEU, Champion sa UAAP Season 78 Men’s Basketball

No posts to display