Ang Pag-amin ni Angel sa Relasyon nila ni Phil

ISANG PRESSCON ang ginawa ng production ng Toda Max para kay Angel Locsin at dinaluhan ito ng maraming press people kasama na rito ang inyong lingkod. Ayon sa kanya, nakatutuwa raw nang unang mag-guest siya sa sitcom bilang si Isabel Padausdos. Una, one-day taping lang, tapos naging two days, hanggang sa tinawagan siya at tinanong kung gusto niyang magpatuloy at maging regular cast. Na-enjoy raw niya ang makatrabaho si Direk Malou Sevilla na nagkataong kaibigan din niya. Dagdag pa niya, ibinibigay niya nang husto ang role ni Isabel Padausdos sa tulong ng mga kasamang actor-comedian na sina Robin Padilla at Vhong Navarro.

“Wala akong peg sa character ko. Kasi nagsimula ako as a guest, kaya hindi talaga namin napulido na ah, ito si Isabel Padausdos. Mabait siya kung mabait pero ‘pag kinanti, kakantiin ka rin. Hindi siya magpapatalo. Tulad ng naka-experience din ng hirap sa buhay, ‘yung mga struggles. Kasi hindi naman ako lumaking mayaman.”

Bilang isang Isabel Padausdos, galing ba ito sa probinsiya? Sa kalye o sa urban area? “Ah, sa Manila talaga po siya, tapos gusto niyang umalis ng bansa para mag- caregiver.”

Ano-ano naman kaya ang mga inamin niya  tungkol sa pagiging malapit nila sa isa’t isa ni Phil Young-husband.

“Actually, hindi namin napag-uusapan ni Phil ‘yung tungkol sa trabaho. So ako naiintindihan ko rin ‘yun.”

Handa na ba siya sa seryosong relasyon? Kung tatanungin natin nang hayagan, ano ang iskor ni Phil?

“Mahirap i-explain ‘yung sa amin ni Phil. Bale kami ni Phil, pumasok siya sa buhay ko sa time na ayaw ko ng commitment, na ayaw ko ng relationship, ayaw ko ng ganun, tapos ‘yun hindi namin napag-uusapan. Parang siguro ganun, wala lang formality. And wala naman akong nakitang masama sa ganun. Parang ‘yun sa amin, ok. kami, kasi yung iba dyan, kasal nga, marami namang problema. Kami masaya kami, hindi nga lang siguro maiintindihan ng karamihan, pero ok kami.”

Ah, ano naman si Angel sa likod ng camera? I mean, ano ang tunay niyang ugali sa likod ng camera? “Si Angel pa rin po ha-ha-ha!”

Ah, what I mean ay iyong tunay niyang pagkatao kasi ‘yung artista sa harap ng camera ay iba dahil iba-ibang roles ang ginagampanan. Halimbawa ay nagpapatawa ka pero behind of that, ikaw pala ay isang loner, kunwari lang o tahimik ka pala?

“Ah, mahirap ma-describe kung ano ba ang tingin ko sa sarili ko. Kasi ito na nga ako. ‘Di ko alam kung ano ang tingin ninyo sa akin. Pero si Angelica Colmenares eh, as much as possible eh, kung ano ang nakikita n’yo sa akin ngayon eh, ganu’n na rin po talaga ako. Malapit ako sa family ko, makulit ako and uhmmm… marami akong gustong gawin sa buhay ko. Marami akong gustong i-achieve at puntahan at gusto kong gawin sa family.”

Ah sa tingin ko mapagmahal talaga siya sa family. Like ‘yung father niya ay ‘di siya nahihiyang dalhin kahit saan. Kasi ‘yung iba d’yan ikinahihiya ‘yun. “At saka hindi ko po magagawa ‘yun. Hindi ko po gagawin kailanman.”

Bilib ako sa ‘yo riyan Angel. Sa aking pananaw, isang professional actress itong si Angel. At sa trabaho nga naman niya ay mahirap mag-desisyon kung ano ang nais at kanyang gusto para makapiling sa tunay na buhay. Sino nga naman ang makapagsasabi? Sa bagay, kung saan siya masaya, nandoon ang kanyang puso at taglay niya ang pagiging alagad ng sining sa harap at likod ng kamera.

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maes-tro Orobia. Email- [email protected].

By Maestro Orobia

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 7 December 16 – 18, 2011 Out Now!
Next articleSen. Bong Revilla Jr., tanging hiling na mapasaya ang ama sa Kapaskuhan

No posts to display