JAMPACKED ang SM Megamall Cinema 7 ng mga taong gustong mapanood ng advance ang movie nina Yassi Pressman at Sam Milby na Ang Pambanang Third Wheel last Tuesday night. Halatang excited silang makita kung may chemistry ang dalawang bida ng Viva Films and The Idea First movie.
Wala kaming nakitang nag-walkout sa sinehan na katulad ng ginagawa ng marami kapag hindi nila nagustuhan ang pelikulang pinapanood. Ibig lang sabihin, kumapit sila sa pinapanood na katulad namin.
Maganda ang chemistry nina Yassi at Sam sa movie dahil may hatid itong kilig. But more than the chemistry, malalim ang pelikula na tumatalakay sa never ending search for love.
May kurot ang mga eksena ni Yassi kasama ang dad niya played by Al Tantay na very supportive sa kung anuman ang pinagdadaanan niya. Relatable din ang mga eksena ni Sam na pilit nagpapakamabuting ama sa karakter ni Alonzo Muhlach.
With Yassi’s character na palagi na lang third wheel sa relasyon ng kanyang mga kaibigan, the movie showed a different Yassi na totally different sa role niya sa series na Ang Probinsyano.
Ang husay niya sa pelikula. Ang husay ng kanyang transformation – from being a kikay copy writer to a depress-depressan daughter and lover. Aktres na aktres.
Sa kabuuan, maganda ang pagkakadirek ni Ivan Andrew Payawal ng Ang Pambansang Third Wheel. Ang lakas ng commercial appeal at hindi nagpi-feeling witty. Flawless kumbaga.
Showing na ang pelikula simula ngayong Wednesday, March 7.
La Boka
by Leo Bukas