“Ang Panday” ni Richard Gutirrez, sinadya para sa isang presidentiable?

"Ang Panday" ni Richard Gutirrez, sinadya para sa isang presidentiable?Silently, sa grand launch ng Carlo J. Caparas’ “Ang Panday” ay jinuxtapose namin ang naturang event, the date being the start of the official 90-day national campaign.

Partikular naming inihalo sa presscon na ‘yon ang aming thoughts sa kung saan napiling idaos nina Senators Grace Poe at Chiz Escudero ang unang araw ng kampanya ng kanilang Team Galing: ang Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila.

Ang Panday’s” presscon venue: Plaza Ibarra sa Timog, Quezon City.

Quezon City and the City of Manila are vote-richest in the NCR.

Ang nagsusimigaw na blurb naman ng “Ang Panday” na mapanonood sa TV5: Ang Pinakamalaking Laban.

Grace’s presidential candidacy is also deemed her biggest fight. Aniya sa entablado, dumanas daw siya ng maraming unos at bagyo sa buhay.

Richard’s roots in “Ang Panday’s” modern version: isang foundling na iniwan ng sariling ina sa simbahan. Need we say more about Grace na natagpuan naman sa katedral sa Iloilo?

Ang unang gumanap bilang Flavio (“Ang Panday”) noong 1980 ay si Fernando Poe Jr. At kaninong alaala ang ipinaglalaban ni Grace sa kanyang pagtakbo?

Flavio is up in arms (or sword) against the evil forces led by Lizardo; Grace wages an all-out war against the devils in government, led by the “LEAST ARDU-ous” (masabi lang na katunog ng Lizardo).

LOOKING FOR some fresh angle na wala sa presscon, nilabas namin sa venue ng grand launch ng “Ang Panday” si Tita Donna Villa, ang mapagmahal at ever-supportive na maybahay ng komiks henyo na si direk Carlo J.

Ang sumunod kasing komiks material-turned-into-movie (and now a TV series) ay ikalawa sa napakaraming nobela ng kanyang mister next to “Tasya Fantasya” na umere na ang pilot episode nitong February 6 sa TV5.

Take note, there are 13 other novels by direk Carlo J that Viva TV bought!

Tita Donna just couldn’t contain her jubilation over “Tasya Fantasya’s” airing, “Talagang binibilang ko ‘yung mga commercials, at ang dami, ha?!”

Mukhang masaya rin si direk Carlo sa kinalabasan ng unang sultada nito (abangan bukas ang ikalawang bahagi ng fantaserye) just like us na humanga sa husay sa comedic timing ng bida nitong si Shy Carlos.

At muli, jinuxtapose namin ang “Tasya Fantasya” at “Ang Panday”: espada ang kay Richard Gutierrez, batuta naman ang kay Mark Neumann!

ANUMAN ANG ‘di kaaya-ayang pag-uugali ng biyenan—lalo’t kapisan ito ng mag-asawa sa iisang bahay—utmost respect must still be accorded to her. Sa kaso ng Ismol Family, Jingo (Ryan Agoncillo)—bilang manungan ni Mama A (Carmi Martin)—should just as respect and love the latter dahil nanay ito ng kanyang maybahay na si Majay (Carla Abellana).

Such is one of the core family values na patuloy na ibinabahagi ng Sunday sitcom na ito which offers not just fun and laughter to every Pinoy household. Layunin din ng mga taong bumubuo ng produksiyon—from its director Dominic Zapata, creative team and its entire cast—na isabuhay pa rin ang mga makalumang tradisyon sa kabila ng makabagong panahon.

Sinasalamin din ng mga bagets cast members na si Ethan (Miguel Tanfelix) at Yumi (Bianca Umali) ang mga huwarang kabataan despite advanced technology.

No wonder, ang patuloy na pagsubaybay sa Ismol Family tuwing Linggo is one testimonial that such a modern-day show can still impart timeless lessons about life in general.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleLaging sarado ang barangay?
Next articleJM de Guzman, bigay-todo sa love scene sa indie film

No posts to display