RATSADA NA sa syuting ng Ang Panday si Coco Martin. Three times a week na kung magsyuting ng pelikula ngayon si Coco.
Ginagawa ito ng aktor para hindi magahol sa oras at umabot sa deadline ng submission ng movie sa Metro Manila Film Festival ang kanyang pelikula.
Bagat October pa lang, may sinusunod na shooting days si Coco. Kung noon ay once or twice a week, ngayon ay 3 days in a week na.
Habang tumatagal ay lumalaki rin ang mga eksena sa Ang Panday. May mga eksenang inaabot ng 2 days bago matapos. Bukod sa pagiging bida ng movie at direktor, si Coco na din halos ang nagsusulat ng script.
“Consistent si Coco sa pagiging mabusisi, walang mintis. Akala namin, sa una lang. Pero habang tumatagal, mas nagiging istrikto siya sa detalye ng pelikula. Pag report niya sa location, may mga bago siyang ideas na baon,” sabi ng isang production staff.
Bagamat over 80 na ang mga artistang kasama sa Ang Panday, siniguro ni Coco, bilang direktor nito na hindi basta cameo role lang mga ito.
“May katuturan, bahagi sila ng kwento. Kahit malaki o maliit, mapapansin sila at tatatak. Yun ang sinasabi ni Coco kapag gusto niyang kunin ang isang artista sa Ang Panday,” dagdag pa ng production staff.
Showing na sa darating na Pasko ang Ang Panday. Ito ang kauna-unahang proyekto ni Coco bilang director kaya hindi maiwasang magkaroon ng matinding expectations sa kanya ang tao. Pero isa lang ang sinisigurado ni Coco, matinong pelikulang pampamilya ang ibibigay niya sa moviegoers sa darating na Kapaskuhan.
La Boka
by Leo Bukas