‘Ang Panday’, pini-predict na magna-No.1 sa 2017 Metro Manila Film Festival

COCO MARTIN

GRABE si Coco Martin kung mag-promote ng kanyang pelikulang Ang Panday na mapapanood simula Dec. 25 at isa sa 8 pelikulang kasali sa 2017 Metro Manila Film Festival. Wala siyang kapagurang magpunta sa iba’t ibang probinsya, malls at palengke.

Sa post sa social media ng team Ang Panday, may sariling pa-motorcade si Coco sa Maynila. Nagpunta siya ng Baclaran at nakipagkamayan sa mga tao nagtitinda at namimili ng pangregalo.

Pinuntahan din niya ang public market ng Nepa Q Mart, Balintawak at Munoz sa Quezon City. Tila wala siyang kapaguran sa paglilibot, huh!    And as expected, lahat ng lugar na pinuntahan niya ay dinudumog.

Base sa sipag ni Coco na mag-promote at sa ganda ng promo ng Ang Panday sa TV at social media, marami ang nagpi-predict na magna-No. 1 sa 2017 MMFF ang Ang Panday.

Bukod kasi sa may fan-based na ang original na Ang Panday ni FPJ, maraming element sa pelikula ang tiyak na magugustuhan ng mga millennials. May fantasy-adventure, musical, rap battle, comedy, bonggang special effects at kilig ang pelikula.

Samantala, sa Sabado, (Dec. 23) ang Parade of Stars ng mga pelikulang kasali sa MMFF at magaganap ito sa Muntinlupa. Makakasamang sasakay sa float ni Coco ang iba pang stars ng Ang Panday like Kylie Verzosa, Mariel de Leon, Jake Cuenca, Awra, Ronwaldo Martin at marami pang iba.

Habang nagpaparada ay mamimigay si Coco ng Panday sword sa masusuwerteng bata na nasa parade.

 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleEdgar Allan Guzman, umaasa ng award sa Deadma Walking!
Next articleCALL ME “ICE”: NYC Chairperson Aiza Seguerra, nilinaw ang kanyang pagiging transman

No posts to display