Ang Panganib sa footbridge

+63928679xxxx – Sir Raffy, good day po! Nais ko pong ireklamo sa inyo at mabigyang-pansin ang tungkol sa talamak na holdapan dito sa footbridge ng Litex. Isa po ang aking anak na nabiktima ng holdap pasado alas-dose ng hating-gabi noong nakaraang gabi. Sinakal po siya at tinutukan ng patalim ng tatlong ‘di kilalang kalalakihan. Kinuha ang wallet at cellphone niya. Ang ikinasasama ko po ng loob ay ang lapit lang ng police station sa lugar ng pinangyarihan ngunit walang nagawa ang mga pulis. Halos katabi lang nila ang footbridge pero ‘di nila alintana ang panganib nu’ng mga oras na iyon. Wala pa namang ilaw at napakadilim ng footbridge na iyon. Sana po ay makalampag ninyo ang mga opisyal ng city hall mas lalo na ang kapulisan sa nasabing  lugar. Maraming pong salamat, Idol!

+63915482xxxx – Idol Raffy, nais lang po naming ma-bigyan ng pansin ang kalsada rito sa F. Lumabas St., Brgy. Catanghalan, Obando, Bulacan. ‘Di po namin maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa mapagawa ang aming kalsada samantalang may pondo naman. Dalawang taon na kaming nagtitiis sa baha at ang mga sakit na dulot nito. Ilang beses nang binatikos ng Tulfo Brothers ang lokal na pamahalaan ngunit hindi pa rin inaaksyunan ni Mayor Orencio Gabriel. Sana po, sa tulong ninyo, malutas na po ang matagal na naming kalbaryong ito. Salamat po sa inyo!

+63927299xxxx – Hi Sir, good day po! Isa po akong concerned citizen at gusto ko lang pong ireport sa inyo ang modus ng nakawan dito sa aming lugar sa FB Harrison St. corner Libertad St. Bulgaran na po kasi ang pagnanakaw ng mga menor de edad dito sa mga taxi driver na dumadaan. Halos gabi-gabi, nangyayari ang nakawan sa harap ng maraming tao. Sana po ay matulungan ninyo sila. Nakakaawa po talaga, wala silang kaalam-alam, ninanakawan na pala sila. Salamat po, Sir!

+63928719xxxx – Magandang araw po, Idol Raffy! Ire-reklamo ko lang po ang isang restaurant dito sa harap ng Ateneo, ang Moshi Moshi restaurant. Kawawa naman po ang mga empleyado nila dahil wala po sa minimum ang pasahod nila at sobrang haba pa ng oras ng trabaho. Sana po ay makalampag ninyo ang mga namumuno rito sa nasabing restaurant at itama nila ang iligal na pasahod nila at bigyan nila ng halaga ang mga empleyado nila. Thank you po and more power!

+63916964xxxx – Good day po, Idol Raffy! Gusto ko lang pong isumbong ang ilang mga paniningil ng Sun Valley Elementary and High School sa Parañaque City. Nais ko lang pong malaman kung pinahihintulutan po ba ng DepEd ang panghihingi ng mga guro sa kanilang mga estudyante ng pambili ng electric fan, walis, floorwax, pintura para sa room, at kung anu-ano pa? Every year na lang po kasi, napapansin ko na laging hinihingi ang mga ito. Sana po ay maliwanagan po kaming mga magulang at sana rin po ay mahinto na ang mga ganitong klaseng paniningil. Mara-ming salamat po!

ANG WANTED Sa Radyo ay mapapakinggan sa 92.3 NewsFM, Radyo5, 2:00-4:00PM, Lunes hanggang Biyernes.  Ito ay sabay ring mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Kung mayroon kayong nais idulog, isumbong o ireklamo, magsadya lamang sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia St., Brgy. South Triangle, Quezon City o mag-text sa aming text hotlines sa 0917-7WANTED at 0908-87TULFO.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleIkinasal sa Menor
Next articleShowbiz Mom, ‘di maamin na ‘hilaw’ pa ang kanyang anak!

No posts to display