Ang Panghaharass ni Bagon

0916-794xxxx – Good morning po, Sir Raffy! Ire-report ko lang po ang pangha-harass sa akin ng isang pulis na si Rolando O. Bagon. Ni-rent ko po kasi ang bahay niya ng 6 months at ngayon ay lumipat na po ako ng bahay. Ayaw po akong payagan ni Mr. Bagon na lumipat at ayaw po niyang ibalik ang security deposit ko na P12,000. Wala po kaming contract at verbal agreement lang. Humihingi nga po ako ng contract para ligal at dokumentado ang lahat pero ang sabi ni Mr. Bagon ay hindi na sila nagbibigay ng contract kasi maayos naman daw ang usapan namin. At kung sakaling aalis daw ako, sabihin lang sa kanya at ibabalik niya ang security deposit ko. Ngayon po ay nangangamba ako sa pangha-harass niya sa akin. Sana po ay matulu-ngan ninyo ako.

 

0909-942xxxx – Magandang araw po, Mr. Tulfo! Ako po si Jean at hingi sana ko ng tulong na makuha na ang plaka ng motor namin. 9 months na po nang makuha namin ang motor pero hanggang ngayon wala pa rin po ‘yung plaka. Palagi ko pong pina-follow-up at lagi na lang sinasabi na nasa LTO pa raw po ng San Juan. Sana po sa pamamagitan ninyo makuha ko na po ang plaka ng motor namin.

0929-528xxxx – Hi Idol!  Gusto ko lang pong ilapit sa inyo ang aming tulay na sinira ng bagyong Frank noong 2008 pa na hanggang ngayon hindi pa rin inaaksyunan ng mga namumuno sa aming bayan. At dahil po dito, hirap kaming tumawid at hindi rin makapasok sa eskuwelahan ang mga estyudyante. Puro lang kasi pangako ang aming Mayor sa bayan ng Magdiwang, Romblon. Kapag dara-ting ang halalan ay sinasabing aayusin daw ang aming tulay pero hanggang ngayon, na malapit na naman ang eleksyon, wala pa ring nangyayari. Maraming salamat po Idol at umaasa po kami na matatapos na ang aming hinaing.

0930-262xxxx – Magandang araw po, Sir! Dito po kasi sa school ng Tagbac Ragay, Camarines Sur, Bicol mara-ming hinihinging kontribusyon kagaya ng pagpapagawa ng pader at upuan at marami pa pong ibang hinihingi sa mga magulang. Ang alam ko po, ibinalita sa TV na bawal hingan ang mga magulang ng kung anu-ano at alam ko po sagot na ng gobyerno ang pagpapaayos ng paaralan pati na rin ang mga upuan ng mga bata. Sana po matigil na ang mga paniningil na ito.

0939-195xxxx – Sir Tulfo, dati po akong driver ng Gray Eagle Enterpriser na matatagpuan sa 620 Apelo Cruz St., Pasay City. Ihingi ko lang po ng tulong ang mga kasamahan ko dati, kasi masyado po silang inaabuso ng boss naming Chinese na si Mr. Kim Sy. 5am ang pasok tapos minsan 10 to 12pm ang uwi pero wala pong bayad ang OT. Nagkakaltas pa ‘pag late at wala rin pong benefits kahit 3 years na sa trabaho ang mga tauhan. Wala rin ka-sing magawa ang mga dati kong kasamahan at wala ring mapuntahan. May mga pamilya rin kaya nagtitiis na lang. Minarapat kong ilapit sa inyo ang kanilang hinaing. Para po sa inyong kaalaman, 15 container vans weekly ang dumarating sa warehouse nila, pati Sunday may pasok. Peke pa ang permit na galing sa BIR. Kayo na po sana ang bahalang umaksyon nito, Sir.

ANG INYONG lingkod ay napakikinggan sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00 – 4:00pm.  Ito’y kasabay na mapapanood sa AksyonTV Channel 41. Para sa inyong sumbong o reklamo, mag-text sa 0917-7WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Previous articleMatagal Nang Hiwalay, Gustong Pakasalan Ang Bagong Minamahal
Next article

No posts to display