ANG STANDOFF sa Scarborough Shoal ng Tsina at ng ating bansa; ang mga pag-uusap sa dalawang panig ay patuloy na ginagawa hangang sa ngayon. Subalit nagiging pirmi ang Tsina sa pagpoproklamang sa kanila ang sinasabing lugar. Ayon sa kanila ay minana pa nila sa kani-lang mga ninuno at tinatawag nila sa kanilang lengguwahe bilang Huangyan Island. Sa atin naman ay Panatag Shoal dahil sa mga kuweba nito nagpapahinga ang ating mga kababayang mangingisda kapag sila ay inabot ng bagyo sa karagatan. Dagdag pa rito, bilang ating patunay na atin talaga ang nasabing reef site, ito ay napakaloob sa Philippine territorial waters.
Sa huling update tungkol sa diskusyong ito, ipinahayag ng United Nations (UN) ang kanilang pakikialam sa nasabing issue upang ito ay maresolbahan. Subalit sa kabila ng mga pag-uusap, marami ang nagsasabi at nag-iisip na ating mga kababayan na maaaring ito ay pagsimulan ng gusot o digmaan sa pagitan ng ating bansa at Tsina. Alam ng ating mga heneral at Department of National Defense (DND) at maging ng mga normal nating mamamayan na hindi sapat ang ating kakayahanan upang su-magupa kung magkakaroon man ng digmaan. Kumpara sa Tsina na isang military superpower, kaya tayo ay humihingi ng tulong sa Estados Unidos bilang ating pa-ngunahing kakampi. Nais kong i-pabasa sa inyo ang isang parte ng artikulong aking nakalap tungkol sa pagsasama ng Amerika at ng ating bansa sa panahon ng unang digmaang pandaigdig.
Isinulat ito ni Charles H. Bogart at may titulong ‘The Doomed Philippine Islands: Defense Project – The Corregidor Historical Society’. The year 1898 found the United States, with the acquisition of the Philippines, joining that select group of nations having colonies in the Far East. Once the Army and Navy had captured the Philippines in the Spanish-American War they set out to develop and implement a plan for its defense. Soon, as a result of recommendations made by the Taft Board on coastal defense, a system of fortifications was built from 1905 to 1914 to defend the entrance to Manila and Subic Bay. With the completion of these fortifications, most Naval and Army officers adopted the attitude that the Philippines could be held against any enemy. This view was further reinforced during World War I as the United States developed its industrial and military might. However the 1920s saw a gradual modification in the belief that the U.S. could defend the Philippines against all nations. America following World War I demobilized her Army and by treaty abandoned her fleet. Adopting the philosophy that disarmament lessened the chance of war the nation decided not to update what had become obsolescent fortifications in the Philippines. This obsolescence was due to the advent of the airplane and long range naval gunfire. As a result of these developments, professional naval and military opinion examining the defense of the Philippines brought forth a revised estimate of the nation’s ability to hold the islands. A new plan, War Plan Orange 3, now called for the Philippines to hold out for six months while a rescue force was raised stateside and shipped the 6,800 miles to rescue the Philippines.
Sa artikulong ito malinaw na kasama natin ang Amerika noon pa man sa dahilang wala tayong sapat na ngipin at mga armas sa digmaan. Ang visiting forces agreement ayon sa gobyerno ay naglalayon ng pagtutulungan ng dalawang bansa at i-train ang ating mga sundalo sa mga bagong pamamaraan ng pandirigma at vice versa.
Ngunit dapat ay malaki ang ating tiwala sa ating sandata-hang lakas o pamahalaan na isang araw makakayanan nating ipagtanggol ang nais na manlupig sa mga nasasakupang teritoryo ng ating bansa.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: [email protected]. CP# 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia