ANG ASAWA ko po ay nagtatrabaho sa Kuala Lumpur, Malaysia. Text po siya nang text sa akin dahil kinakabahan sila na baka maapektuhan sila ng mga nangyayari sa Sabah. Baka raw sila ang pag-initan ng mga Malaysian na kapag nagkaroon ng karahasan sa Sabah ay may mamatay na mga pulis ng Malaysia. Nagtanong na po sila sa embassy natin pero wala raw dapat ipag-alala. Talaga po bang wala kaming dapat ipag-alala? — Gina ng Sultan Kudarat
SA NGAYON ay wala pang dapat ipag-alala ang mga OFW natin na nasa Malaysia. Lumalabas na ang katunggali ng Malaysian authorities ay ang Sultanate ng Sulu at hindi ang pamahalaang Pilipino. Hindi ito katulad ng isyu natin sa Scarborough na kinasasangkutan ng pamahalaan natin at pamahalaan ng Tsina.
Sa katunayan, halos nagkakatulad ang statement ng Malaysia at pamahalaang Pinoy tungkol sa krisis sa Sabah. Nagtutulong silang dalawa para mapasuko ang mga kamag-anak ng Sultan ng Sulu at magkaroon ng mapayapang kalutasan sa problema.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo