EKSAKTO SINGKUWENTA Y k’watro minuto ang pinakawalan ni P-Noy na State Of the Nation Address o SONA noong Lunes na nagtapos ng alas-singko ng hapon.
Maraming nilitanya si P-Noy.
Pangunahin na rito ang kanyang pagsugpo sa “wang-wang”.
At sa himig ng kanyang pananalita hinggil sa wang-wang, hindi lamang ito mahalaga.
Bagkus ay mistula sa wang-wang nakasandal ang kanyang tinatawag na “social transformation”.
Na para bang ang isyu ng wang-wang ang pinakahaligi ng isang taon niya sa puwesto bilang Pangulo ng ‘Pinas. Tsk, tsk, tsk!
Dahil daw wala na ang “utak-wang-wang” kaya dumami na ang inaning palay ng mga magsasaka sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Huh! Dahil na sa wang-wang kaya marami ang naani? O dahil sa sipag ng mga magsasaka?
Malabnaw lang tayong mag-isip, parekoy, pero alam natin ang ibig sabihin ng SONA o State Of the Nation Address.
Ang inaasahan ng ating “tawiwit” na marinig ay ganito.
Halimbawa na lang sa edukasyon at kalusu-gan… ano na ang nagawa ni P-Noy sa loob ng isang taon?
Ano rin ang plano niyang gawin sa mga dara-ting pang taon?
At paano niya ito gagawin?
Maliban sa kakulangan ng solidong ulat sa bayan at plano ni P-Noy, isang bagay ang u-magaw ng ating atensiyon na muntik ko nang manguya ang basong ininuman ko ng tubig.
Ito, parekoy, ang tungkol sa 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Dahil daw sa ginawa ng DSWD na pamimigay ng 4Ps kaya nasa 100,000 pamilya ang naiangat ang buhay buwan-buwan mula sa kahirapan!
Ha? Santisima Trinidad!
Alam kaya ni P-Noy na karamihan sa 4Ps beneficiary ay tumatanggap lamang ng humigit kumulang P600.00 kada buwan?
Ang iba nga ay P300.00 lang ang tinatanggap!
Ganyan, parekoy, ka-timawa ang paningin ni P-Noy sa ating mahihirap.
Na kapag nabigyan pala ng pamahalaan ng halagang anim na raang piso kada buwan ang isang mahirap ay naiahon na ang mga ito sa kahirapan!
Diyos mio! Baka milyonaryo na ang turing ni P-Noy sa kada Pilipino na mabibigyan ng isang libong piso kada buwan!
Pobre espiritu!
AKALA NI CALOOCAN City Mayor Recom Echiverri ay tanggal na ang sakit ng kanyang ulo nang makakuha siya ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa Court of Appeals kaugnay sa 6 months suspension na ipinalabas ng Ombudsman laban sa kanya.
At kung inaakala ni Echiverri na si Vice Mayor Edgar Erice ang kanyang kalaban ay nagkakamali si Recom.
Dahil anumang banat ang gawin sa kanya ni Erice ay alam nating mahihirapang tumalab kay Recom.
Dahil bilang abogado ay alam ni Recom ang solusyon sa kanyang mga hakbang.
Para sa atin, ang pinakamalaking sakit ng ulo ni Recom sa Caloocan ay si Al Sta. Maria.
Dahil ito, parekoy, sa kaliwa’t kanang sumbong ng mga residente ng Caloocan partikular na ang mga vendor na nakararanas ng matin-ding “kotong” na ang itinuturong utak ay si Al.
At ang mga taong ito rin ang kasalukuyang nagdadakdak na hirap na hirap na sila sa ginagawa sa kanila na pangongotong.
Kaya nga kung ako kay Recom ay agapan na niya ang isyung ito.
Hangga’t hindi pa lubusang idinadagil ang kanyang pangalan sa gawaing ito ay dapat na siyang umaksiyon.
Sibakin na si Al Sta. Maria!
INAANYAYAHAN KO PO kayong pakinggan ang aking radio program na ALARMA KINSE TRENTA, mula Lunes hanggang Biyernes, 6-7am sa DZME 1530 (Dulong-kanan ng talapihitan).
Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303