Wazzup, wazzup, tsismis adiks of the Philippine Republic? Here’s your chikadorang malupet bitbit ang isang bagong tsismis.
Isang mambabatas ang laman ngayon ng huntahan ng mga miron sa isang chamber of the Philippine Congress. Maugong ang tsikang huling-huli raw ang solon na aktong nagtitinga nang minsang abangan ng mga media pip para kunin ang kanyang panig tungkol sa isang importanteng topic.
Hindi naman isyu sa mga utaw ang kanyang pagtitinga. ‘Yun nga lang, medyo nagulantang ang media bros and sisses dahil sa dinami-rami ng taong matitiyempuhang nagtitinga, itong magaling na mambabatas pa.
Sa info ng ating assets, inaabangan daw pala ng mga utaw ang solon para mainterbyu siya. Pero nagbago ng routine si Solon at sa halip na sa pintong madalas niyang daanan, sa ibang lagusan siya um-entrance. Nasira ang excitement ng mga miron nang ma-sightsung siya. Sa halip na lapitan at interbyuhin, natigalgal ang mga miron at nagkatinginan dahil nga abala sa pagtatangal ng superfriends sa pagitan ng mga ngipin ang ating legislator.
Kaya sa halip na kuyugin, nirespeto na lang daw ng mga media pip ang moment ni Solon. At in fairness kay Solon, beterano na siya sa paggawa ng batas at hindi na rin matawaran ang kanyang galing, ‘no?