ANG TSARDYER SA MINDANAO

WHOAH! ANG PELIKULANG Tsardyer ay hango sa isang batang Tausug na ayon sa kuwento ay naging taga-charge ng cellphone para sa pakikipag-negotiate ng demand ng mga kidnapper sa Mindanao. Nang aking makapanayam ng one-on-one ang direktor ng nasabing indie film na si Sigfreid Barros-Sanchez sa nakaraang presscon ng Cinema One Originals 2010, akala ko ay isa siyang Muslim dahil sa kanyang hitsura at mukhang Mutawa dahil sa kanyang ‘goatee’. Pero isa siyang Kristiyano at may mga kamag-anak lang siyang mga Muslim.

Ayon sa direktor, hango ito sa “charger” para sa isang ‘lowbat’ cellphone na kailangang i-charge para magamit sa mga paraan ng pagkidnap ng mga Abu Sayyaf na ang kanilang taga-charge ay ang batang paslit na manhik-manaog sa bundok at bayanan. Pasadahan natin ang usapan.

Ah, kanina nagulat ako sa ‘yo, ‘kala ko Muslim ka… ano nga palang pangalan mo? “Ah Sigfreid. You’re from Pinoy Parazzi. Ah, I love your paper!” Ang patuloy niyang kuwento, “Some of my family members are from Sultan Kudarat. They transferred there from Luzon during the time na puwede kang magtabas ng lupa mo sa buong Mindanao tapos sa ‘yo na. Tapos karamihan ng relatives ko roon, mga Muslim din.”

Ah, kaya nagkainteres ka nga ipalabas ito? “Ah, balak kong mag-shoot sa Sultan Kudarat, sa Tacorong, kaso sabi nila during that time kung isu-shoot ko iyong film, medyo ‘yung security namin ang hindi nila maa-assure.”

Ayon kay Sigfreid, ang nagpalakas ng loob niya upang gawin ang pelikula ay dahil sa mukha naman siyang Mutawa at nataon ding “Ramadan”noon kaya bawal ang gumawa ng anumang kalokohan. Dagdag niya, sinabi niya sa mga Muslim na thesis lang niya ito bilang estudyante ng UP kaya hindi naging mapanganib ang kanilang shooting.

“At pasalamat ako dahil iyong isang artista ko si Pipo Alfad, kilala ang family sa Sulu. ‘Yung mommy niya, teacher sa isang university roon; ‘yung mga sundalo sa Sulu, at saka ‘yung mga Abu Sayyaf, naging teacher ‘yung mommy ni Pipo. So, may koneksiyon siya sa military at sa Abu Sayyaf. Pero nakalibot kami doon sa lugar na ‘di nagagalaw. Ah, ‘yung isang lugar na pinasok namin, nandoon ‘yung bahay ng chief ng pulis tapos sa likod-bahay niya lang, nandu’n ang mga Abu Sayyaf. Ah, parehas lang armado sila. Tapos kapag bakbakan, ‘pag may timbre sa kanilang magbakbakan, magbabakbakan sila. Kung gusto mong ma-promote na General, well pumunta ka sa Sulu. Iyong message talaga ng film namin kasi doon sa Sulu ‘pag bata ka roon as early as 6… 8 years old, sabi ‘nung artista namin, you are made to choose between the path of war or path of a civilian.”

Ayon sa kuwento niya, wala naman ibang pagpipilian, ‘no choice between path of education and path of war’. Dahil ito na raw ang kanilang kinamulatan.

“Ah, ‘yung camera movement ng film namin natural lang ‘yung ginamit namin, so, hindi kami gumamit ng stylus na camera. Ginamit lang ‘yung 24P na camera, kasi ‘yun ‘yung makapagbibigay ng dumi du’n sa film. Iyon ang hinahanap ko sa film, ‘yung ma-bigyan ng dumi ‘yung film.”

The film starred Martin Delos Santos, Dimples Romana, Neil Ryan Sese, Mon Confiado, Bombi Plata, Raul Morit, Pipo Alfad.

Ito ang larawan sa canvas ni Ma-estro Orobia.

For comments and suggestions: call tel. no. (02) 3829838; e-mail: [email protected], [email protected]  or visit www.pinoyparazzi.net

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleChariz Solomon, ipinasyal ang buong pamilya sa Hong Kong !
Next articleWALA PALANG PINAG-IBA ang ‘di kagandahan ng hitsura ng gay comedian na ito sa kanyang pag-uugali.

No posts to display