DISYEMBRE NA AT ilang tulog na lang ay Pasko na naman. Parang kailan lang ay nag-uumpisa pa lang ang taon but in just a few weeks, we will be welcoming 2011. Marami man tayong mga pinagdaanang pagsubok ngayong taon ay huwag sana itong maging hadlang para ipagdiwang natin ang kapanganakan ni Hesus na siyang tunay na diwa ng Pasko.
Mahaba tayong magdiwang ng Pasko sa Pilipinas. September pa lang ay may naririnig na tayong mga Christmas carols inside the malls and on the radio. Naaalala ko tuloy noong ako ay bata pa at nasa Borongan, Eastern Samar. Nangangaroling kami ng aking mga kalaro tuwing gabi sa aming mga kapitbahay dala ang aming mga improvised tambourine na gawa sa mga pinitpit na tansan. Armed with earnest voices, wala kaming patawad sa pagkanta ng Ang Pasko ay Sumapit at Pasko Na Naman kahit paulit-ulit namang tumatawad ang aming mga kapitpbahay.
As early as November, families are already decorating their homes either with a small lantern or Christmas displays that dazzle the eyes similar to the ones at Policarpio Street in Mandaluyong City. Malls are bedecked with giant Christmas trees and colorful decor and glitzy lights. People flock to bazaars and tiangges na talaga namang mabentang-mabenta tuwing sasapit ang Kapaskuhan. Siyempre, hindi rin magpapahuli ang mga department stores na may mga Christmas sale din.
Sabi nga nila, ang Pasko ay para sa mga bata. With his stocky frame, Santa Claus is a well-loved and famous figure among kids. Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata at sa paniniwalang mayroong Santa Claus. Gaya ninyo, I also believed in Santa Claus when I was a kid. Kahit wala kaming chimney sa bahay, I would hang a pair of socks by our window and slept early at night so Santa could bring gifts to our house unnoticed. Kapag ginising na ako ni Nanay para sa aming Noche Buena, agad akong babangon upang tingnan ang aking mga medyas para sa mga regalo ni Santa. Hindi naman ako binibigo ni Santa at hanggang ngayon, he continuous to be generous.
Sa aking palagay, may pera man o wala, may bagong damit o wala, may regalong natanggap o wala, may masasarap na pagkain sa hapag-kainan o wala, ang talagang mahalaga ay ang magkakasama kayo ng buong pamilya sa pagdiriwang ng Pasko. Huwag nating kalilimutan na si Hesus ang talagang star ng Pasko at ng ating buhay.
Sabi nga ng kantang Tuloy Na Tuloy Pa Rin Ang Pasko, “Ngunit kahit na anong mangyari, ang pag-ibig sana’y maghari. Sapat nang si Hesus ang kasama mo. Tuloy na tuloy pa rin ang Pasko.”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda