ANG MISTERYOSONG pagkamatay ni Alona Bagayan, isang OFW, sa United Arab Emirates ay dapat gumising sa ating mga awtoridad tungkol sa pag-iisyu ng entry visa lalo na sa mga kababaihan nating nais magtrabaho sa ibang bansa.
Ayon sa Bureau of Immigration, ang naisyu kay Alona ay “entry visa” lamang. Sana ay linawin ng bureau kung anong klaseng entry visa ito. Ito ba’y para magtrabaho, magturista, atbp?
‘Eto pa: Ang iniisyung “entry visa” ay pangkaraniwang nag-e-expire sa hating-gabi pag-alis ng isang OFW. Kailangan ding pag-aralang muli ito ng Immigration. Nangyayari na may mga delay o kanseladong flight ang mga OFW oras na sila ay nakalunsad na sa dayuhang airport. Dahil dito, itinuturing nang iligal ang kanilang pananatili roon at maaari silang arestuhin o kuwestyunin. Dito nangyayari ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa ating mga kababayan.
Karaniwan ding ipinauubaya sa employer o amo roon ang pag-aayos ng working permit sa bansa. Nagiging matagal itong proseso at nagiging dahilan ng pagiging undocumented ng isang OFW. Muli, ito ang dahilan ng mga pang-aabuso sa ating mga OFW.
Nasa atin na ang pagmumuling-aral sa mga patakarang ito.
LIBRENG PAYO SA OFW! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected]
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo